Posts filed under ‘Uncategorized’
blog leave?? nanaman??
bukas. uuwi na si erpat. at dito siya mananatili ngayong summer!
yes pers taym.. kadalasan kasi ang uwi nya dito sa Pinas ay may klase kami.. honestly, hindi ko pa siya naka-aattend ni-isa sa graduation ko simula nursery ako. At ngayon, babawi siya. n_n
masaya, kasi makakasama ko ang erpat ko na mag-celebrate ng isa sa achievement(s) na nakamit ko..
pero naisip ko.. na tuwing andito erpat ko, hindi ako makagamit ng computer, nakakagamit man.. hindi ganun katagal.. hindi ako nakakapagbabad.. kaya ayun.. hindi ko alam kung ano ang pagkakaabalahan ko.. Para naman hindi ko ma-miss ang pag gamit ng internet. n_n
pero syempre di ko hahayaang mabulok ang sakitang pindot (wordpress) ko.. ayoko namang lalong mabulok ito.
Siguro sa internet shop na lang ako tatambay.. n_n
hay bahala na talaga kung san ako pulutin ngayong summer!!
unfair much?
ngayon. oo ngayon. simula ngayong araw na ito. galit na ako sa DLSU. (pasensya na sa mga nagaaral sa DLSU dito sa multiply.)
sorry talaga. But first, let me tell you why, so you guys won’t have any reason to get mad at me.
Legend:
A– friend kong girl na UBER talino, may kaya
B– friend kong guy na UBER talino din, mayaman
C– ako na to, mahirap kami.. bobo ako
D– i’m pretty sure na mas bobo to sakin, kaklase ko (sorry na lang kung may tamaan)
sina A,B,C at D ay kumuha ng entrance exam sa DLSU.
si A na nag aaral sa St. Paul Pasig bagsak. Nagulat ako ng malaman ko yun, kasi alam ko na deserving siya. I really thought that she would make it.
si B bagsak din. I dunno what happened.
ako, bagsak din. Alam ko na yun from the point na lumabas ako sa testing center.
at si D na kaklase ko na may kahinaan pero mapera.. pasado!
I was so surprised nung nalaman ko yun. Even my classmates don’t believe that he made it.. but he just did.
I swear. Who would believe that a guy that can’t compose gramatically correct sentences , and couldn’t answer any math problems without help from others(kasama na ako dun) will make it to DLSU?
hmm, now? how unfair was that? naghihinala sila, sila lang ha? na may kapit sa loob. ARGH! so unfair!
ngayon, sobrang lakas niya magyabang! as in cannot be reached?? He’s now talking about UST and other universities na pinagkuhanan niya ng Entrance Exams! Na porke’t nakapasa na eh kala mo na kung sino na nanalo sa lotto.
nakakainis! Feeling henyo! Wag ka pa-explain mo ang topic sa Math walang masasabi, ang ihaharap lang sayo.. laglag na panga.
—
apologies for this entry! I just can’t accept the fact that he passed and I didn’t.
Nakapasa ang 3rd to the last sa klase at ang 8th sa klase eh plumakda!
I just proved to myself that DLSU isn’t fair (sorry ulet sa mga masasaktan, hindi ko naman nilalahat).
i met an accident.. and guys I REALLY NEED YOUR PRAYERS :(
kanina, sa school.. lunch time.. My friends and I were playing. kunyari magaling ako sa Parkour(yung sport na parang spiderman ka)
by accident, my hand slipped.. and my head landed the ground first.. DEFINE SOLID GROUND!! ang tigas talaga!
we laughed our asses off. tapos.. tinignan kung may bukol … Luckily wala naman, but in surprise.. They saw a collection of blood. nasa loob.. nagkaroon ng blood clotting.
nanlamig ako, natakot.. may mga narinig kasi akong kwentong ganito.. At sobrang hindi ko nagustuhan ang outcome. For I might die at an early age.. (wag naman sana)
tinawagan nila yung mom ko para sunduin ako.. mom arrived faster than the speed of light.
And hurriedly we went to the doctor for me to undergo a Check-up.
ayun. Sabi ng Doctor..
under observation ako. 24 hours — bawal ako matulog.. baka hindi na ako magising!
ang finding- HEMATOMA
refer to: http://en.wikipedia.org/wiki/Hematoma
sana hindi to Subdural Hematoma
refer to: http://en.wikipedia.org/wiki/Subdural_hematoma
medyo nakakaramdam ako ng Fullness ng ears. at isa ito sa mga signs. may pressure daw sa loob ng skull/brain ko (whatever).
Kaya ayun. di ko alam kung ipapa-CT Scan ako ng ermat ko.. pero highly recommended yun.
kaso ang mahal mahal naman nagra-range yung price from 3,000-5,000 pesos.
anyway, natatakot ako..hindi ko alam gagawin ko..
ayoko maparalyze! madami pa akong gusto gawin sa buhay ko!
simula pa lang nag january at kung ano-ano na ang nagyayari sakin. BADTRIP!
—-
so guys! Join me in prayer.. sana wala nang lumabas na Sintomas ng Subdural Hematoma. thanks!

—-
treatment..
Treatment of a subdural hematoma depends on its size and rate of growth. Small subdural hematomas can be managed by careful monitoring until the body heals itself. Large or symptomatic hematomas require a craniotomy, the surgical opening of the skull. A surgeon then opens the dura, removes the blood clot with suction or irrigation, and identifies and controls sites of bleeding. Postoperative complications include increased intracranial pressure, brain edema, new or recurrent bleeding, infection, and seizure.
necessity over wishes
bibilhan ang kapatid ko ng bagong cellphone. at kasama ito sa N-series.
feeling ko tuloy napagiiwanan na ako ng panahon pagdating sa latest gadgets. kasi mag tatalong taon na si 6630 sakin.. oo magtatatlong taon. Nararamdaman ko na dalawang taon pa ang itagagal niya sakin. Nararamdaman ko na pag 2nd Year college na ako eh, mapapalitan ko na ang uugod-ugod kong phone.
at syempre dumating ang N95.tae talaga kahit ang bulky niya, inlove talaga ako sa phone na iyon.
GUSTO KO NG BAGONG LARUAN!!
kasi naman ang ganda talaga non. ALL IN ONE DEVICE sabi nga sa diyaryo.
ngayong gagradweyt na ako.. ang balak ko na grad. gift ay braces, na halos ka-presyo din ng n95 na Music Edition. WAAAAAAA
naguguluhan talaga ako. Hindi ko alam kung alin ang gusto ko sa dalawa.
dun ba muna ako sa kailangan o sa mas kinakailangan?? 😛
necessity o wish ang uunahin ko??
i need your help guys
taking responsibilities
walang tao sa bahay kundi ako lang. Oo, ako lang. Umalis kasi sila papunta sa Angono dahil tutugtog ang Drum and Lyre para sa pyesta doon.
Kaya naman todo bilin si nanay. Saraduhan mo yung pinto ng maayos. etsetera,etsetera.
Ang dami niyang binilin bago umalis, kaya naman natatakot akong iwanan tong bahay. Hindi naman kasi siya dati ganun magbilin. SWEAR! yung dati simple lang talaga, eh ngayon.. Ultimo yung daga iwanan daw ng pagkain. Pero naiintidihan ko naman siya kasi mahirap nga naman talaga pag napasok ang bahay namin ng magnanakaw, at pag nagutom din ang aming daga, eh.. ewan ko. malay ko ba sa daga namin.
==
Tarsday ngayon. naka-P.E. uniform kami. at tuliro ako dahil wala akong rubber shoes.. pano ba naman nilabhan ko kahapon. Di ko manlang naisip na may P.E. kami ngayon.. badtrip talaga. Di ko alam kung papasok ako ng P.E. shirt and pants suot ko sabay tsinelas ang suot diba?
arrgh.. asar talaga.. i don’t know what do..
blag lib
muli, ako’y nasa dalawang araw na blog leave.
may YFC camp kasi, at isa ako sa mga discussion group leaders.
till next entry 😀
kinalbo
naghehesitate ako magpagupit nung sunday, kaso naalala ko na may hair inspection sa darating na monday.. at dahil tinulak na din ako nina ate violi at ate krz na magpagupit.
Think of the consequences na pwede daw mangyari pag hindi ako nagpagupit. Oo nga naman, mauukuaan ang patilya ko kung ganon. Kaya naman kahit 7pmna eh, go pa din ako sa Reyes Haircutters.
Kaya naman sumakay pa ako ng Dyip at Trysikel.
Pagdating ko dun, wala yung gumugupit sakin. Kaya naman napilitan akong magpagupit dun sa lumapit saking bakla. Kaya naman sabi ko .. sige go, kasi baka magustuhan ko yung gupit niya.
Umupo ako. HOTSEAT talaga yun, tuwing umuupo ako sa chair eh parang may kung anong ewan kaya naman sobra akong pagpawisan.
Tinanong niya kung anong gupit ang gusto ko. Sabi ko 2 by 3 , yun kasi ang required.At sinabi ko na wag.. inuulit ko WAG BABAWASAN ANG NASA TUKTOK kasi may gagawin ako dun in the near future, papa-hair-spa sana ako.
Hinawakan niya ang electric razor. At BOOM! walang kwenta ang pagtanong niya sakin kung ano ang gupit ko… dahil.. ginawa niya akong SEMI-KALBO!! demmit.
wala nanaman akong magawa dahil nabawasan na yung buhok ko. kaya sige go. ang nasa isip ko na lang nun “THERE’S NO HARM IN TRYING NEW A HAIRCUT”.. pampalubag loob na lang kung baga.
at sinabi ng bakla “ayan gwapo na siya” ay, potres. kamusta naman yun diba? bolahin daw ba naman ako? at yun.. kung ano-ano na pinag tatanong niya sakin na para bang gusto niya ako palakihin..
matapos magupitan(shinapoohan pa niya ako) iniisip ko talaga ang mga reaksyon ng mga kaklase kong pulaero’t pulaera kapag nakita nila ako..
hays. Ewan ko na lang… basta.. DI NA MUNA AKO MAGPAPAGUPIT!
ang pagbiyahe sa dibisoriya
kahapon, mga tangali, tinext ako ng pinsan ko.
“oi potpot, si **** to, pupunta tayong divisoria.. wag ka na maligo(kung hindi ka pa naliligo) dalian mo paalis na tayo.”
my gulay! tuloy ang pagpunta namin sa divisoria.. AT HINDI PA NGA AKO NALILIGO **dooooooooomed**
kaya dali dali akong tumakbo sa banyo upang maligo. sobrang rush talaga yun, wala nang hilod hilod.
Dumating ako dun. Nagulat nang nalaman ko na sasama ang Unabia Cousins Manila Chapter, ang saya kasi bonding nanaman kami.
Isa lang ang aming mga dahilan kung bakit sumama.. dahil sa libreng pagkain c/o tita Ellen.. THANKS TITA! **hugs**
anyway, ehdi sumakay na kami sa kotse ng pinsan namin, ang plano, sa gateway namin ipaparada yung car, tapos sakay na kami ng LRT para mas mabilis.
Nasa Gateway pa kami, nag-CR kasi mga kasama ko kaya ako tinext ko yung “TWIN” ko, sabi ko nasa Gateway nga ako tapos sabi niya, sa Robinsons nga daw sha pupunta. Pero, nung papaakyat na ako sa may LRT, bigla namang nagtext si “TWIN” na kabababa lang niya sa Araneta Cubao, tuliro, sayang. Magkikita sana kami ng wala sa oras. MAY HUG SANA SIYA! asar, kababa lang niya ng tren, ako naman pasakay pa lang.(hi twin)
Kaya ayun, sobrang nakakapagod sa divisoria, wala akong binili maliban sa DVD. Kasi wala naman talaga akong nagustuhan. Sana pala si twin na lang kasama ko nun..
-nagpakapagod lang ako.yun lang











Mga naghanap ng patatas