Archive for Pebrero, 2008

gudbay pebrari..helow marts

partida.. walang ilaw. napundi kasi yung ilaw dito sa may kwarto at bukas pa balak palitan ng erpat ko. kaya sorry kung may typos. n_n

may selebrasyon ulit dito sa tapat ng bahay namin.. at sobrang nakakawindang yung kumakanta. Naaimagine ko na habang kumakanta siya ay lumalabas na ang spaghetti strands sa leeg niya. Ang lakas nga ng loob niya eh.. parang 1 hour na niyang hindi binitawan yung mikropono. Pinoy nga naman parang pringles lang.. “once you pop..you can’t stop”

huling araw na pala ng Pebrero ngayon.. Leap year..astig. Bakit? hindi ko din alam.. But I find it very amusing. Marso na bukas.. Malapit na magselebreyt ang mga mag-aaaral dahil bakasyon na, maliban na lang dun sa mga magsu-summer classes. tsk..tsk..tsk.

sobrang blanko utak ko ngayon.. wala naman talagang patutunguhan yung mga pinagsususulat ko rito eh.. Pero sayang naman kasi pinayagan ako ng inakoh at itaykoh na maginternet.. kaya naman i’m making the most out of it..

swimming ng 4th year students ng school namin bukas, sinusulit na namin ang mga natitirang araw na kami ay magkakasama..sinusulit na namin ang tawanan. At syempre, isa na yun sa recreational activities na kailangan namin gawin para mas mapalakas ang “bond” namin sa isa’t isa. Nako, camera vanity sessions nanaman ang kakalabasan nito. 🙂

Sabi ng school head sakin kanina, ako daw ang bahala sa opening prayer para sa graduation. Sus! bakit sa akin pa? Susme. Eh hindi nga ko nagdadasal. Patay na ako neto.. wag na lang kaya ako grumadweyt para hindi na din ako magdasal?

*inaantok na ako.. nakakpagod kasi ang C.A.T. kanina..*

P.S May project pala kami sa Computer.. gulay naman.. gagawa kami ng Personal Webpage.. at sobrang wala pa akong nasisimulan. n_n . Gawan mo naman ako oh, please?

bossing holy.kamote.sa oras na mabasa mo to, baka naman gusto mo ko i-compose ng prayer. dali na.. Holy ka naman ehh.. n_n

Advertisements

Pebrero 29, 2008 at 8:44 hapon 5 mga puna

blog leave?? nanaman??

bukas. uuwi na si erpat. at dito siya mananatili ngayong summer!

yes pers taym.. kadalasan kasi ang uwi nya dito sa Pinas ay may klase kami.. honestly, hindi ko pa siya naka-aattend ni-isa sa graduation ko simula nursery ako. At ngayon, babawi siya. n_n

masaya, kasi makakasama ko ang erpat ko na mag-celebrate ng isa sa achievement(s) na nakamit ko..

pero naisip ko.. na tuwing andito erpat ko, hindi ako makagamit ng computer, nakakagamit man.. hindi ganun katagal.. hindi ako nakakapagbabad.. kaya ayun.. hindi ko alam kung ano ang pagkakaabalahan ko.. Para naman hindi ko ma-miss ang pag gamit ng internet. n_n

pero syempre di ko hahayaang mabulok ang sakitang pindot (wordpress) ko.. ayoko namang lalong mabulok ito.

Siguro sa internet shop na lang ako tatambay.. n_n

hay bahala na talaga kung san ako pulutin ngayong summer!!

Pebrero 27, 2008 at 7:18 hapon Mag-iwan ng puna

ano nga kaya tagalog nito??

ano nga kaya? sagot na bilis!

Pebrero 27, 2008 at 3:17 hapon 2 mga puna

disturbing…very disturbing

hindi ko alam kung anong konek nung taytol.. pero sige yan na lang wala akong maisip.. disturbing ako noh? basta basahin mo na lang. n_n

sobrang bothered ako sa header nitong wordpress ko. napaka walang kabuluhan makabuluhan kasi eh.
hindi ko naman mapalitan ng personalized header kasi nasira yung photoshop namin, so ayun I have to re-install it. At sobrang matrabaho yun!
Hindi rin naman ako ganun ka-galing sa pag gamit ng Adobe Photoshop na tinatawag nila(aktwali wala naman talaga akong alam kung pano yun)

ganda kasi nitong wordpress eh. Sa sobrang ganda eh naiinis ako na dito pa ako pumasok. Ang gaganda kasi ng widgets.. “very useful” ika nga. sa  sobrang useful, hindi ako makapaglagay ng tagbox ko. ASAR!

oh well, sabi nga sa Biblia.. “Be contented of what you have.” -hindi ko alam kung meron talaga nito dun, pero malay natin diba?

Sige itry nating i-konek sa Parable of Talents. Diba yung nandun sa parable na yun..Binigyan sila ng talents whatsoever (aww.such a gay word) tapos itago daw nila yun, sabi ni master bitter.. Yung dalawa, pinangpuhunan nila.. they made something out of it.
hindi ko alam kung pano ikokonek, pero sige go lang.. Tulad nitong worpdress na ito, pinagkaloob sakin ito(utot), at nasa sa akin na yung way kung pano ko papalaguin ito. n_n

ang labo. pagpasensyahan niyo na. sadyang magulong tao lang talaga ako.

nakakatamad pala talaga pag graduating HS student ka na.. lalo na pag last quarter. Kasi sobrang petiks mode ka na lang. Saya nga eh, wala kaming ibang ginagawa sa classroom kundi mag kwentuhan, magkulitan, magkantahan, magsayawan, magdakdakan, magpatawa, magsubuan………. ng kutsara, magtanim, mangulangot, magkamot, magkutuhan, mag-gupitan ng kuko, matulog, mag-rubiks cube, maghalikan at maganda (huh?)

oo.sobrang petiks lang talaga. Kung meron mang gagawin, sobrang dali pa. Siguro ganun talaga… Maluwag na, para naman we can make out most of the time left for us. Para naman sa konting natitirang mga araw ay makapag-enjoy at makapag-bond kaming magkakaklase. Na sa konting oras na natitira ay mas makilala mo pa ng husto ang maiiwang kaibigan. At magsumpaan na kahit kailanpaman ay “FRIENDS FOREVER” (utot)

syempre hindi dun mawawala ang usapan kung san ang huling gimik ng dabarkads! Madalas nauuwi yan sa swimming. At yun na nga, nauwi ang bats(batch) namin sa isang swimming, wish ko lang overnight swimming yun, para mas masaya!

susme. kung ano ano nanaman ang pinagsasabi ko dito, wala namang kwenta. shaks! o sige. salamat sa pag-aksaya ng konting minuto sa buhay mo. n_n

Pebrero 26, 2008 at 7:28 hapon 7 mga puna

usapang nettiquette. LOL!

iba na rin talaga ang trend ngayon. Umuso na ang chatting at Unlimited texting (text tayo ha?)

at hindi lang natin napapansin(kung napansin mo, magaling ka) na nadadala –lalo na ng mga estudyante — natin, o nagagamit sa ating pamumuhay.

madaming abbreviations na nabuo sa chatting..at texting na din. tulad ng mga..
BTW, by the way
ROTFL, rolling on the floor laughing
IMHO, in my humble opinion
GM, group message
AFK, away from keyboard

at syempre.. nag stand-out diyan yung walang kamatayan na LOL.. o ang LAUGHING OUT LOUD.
anak ng LOL nga naman oh! sa araw-araw na may kapindutan ako sa cellphone eh, hindi makukumpleto ang bente kwatro oras na wala kang makikitang mensahe na may LOL.

shaks! puros LOL na laman nito. LOL!

hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit may mga taong hindi ata alam kung pano ito gamitin.  Oo, ginagamit nga nila.. pero hindi ko lang alam kung aware sila sa meaning ng “LOL” na yun. Siguro ay akala nila ay para mag mukha silang CooL pag ginamit nila yun.

i.e.
My loveliest and adorable dog died yesterday. LoL!

tokwa naman oh! at kelangan talaga may “LoL” sa huli? TAMBLING! sus. Tinamaan ng magaling! tawanan daw ba ang pagkamatay ng peborit niyang aso?

stand out talaga ang LOL. kahit san pala pwede na shang gamitin. n_n

Pebrero 25, 2008 at 5:25 hapon 4 mga puna

zombie

in yerr head..in yerr heaaaaad. zombe,  zombe, zombe, eeh, eeh.
-kapitbahay namin.. kumakanta (di ko alam kung anong okasyon meron sa kanila.)

ang jologs cool talaga nitong WP. di ko tayp yung ispeysing.  ow well.

matagal na pala akong hindi nag-update ng WP ko (syet.di naman obyus diba) at unti-unti na itong namamatay. Pero hindi ko hahayaang mamatay ito ng tuluyan. Sayang naman ang efforts entries (as if meron) ko dito. Sobrang naging busy kasi ako nitong mga nakaraang buwan, kaya walang time para makapagbukas nito (sus, kaya ka pala laging online sa YM at naghahanap ng ka-chat)

Madaming nangyari. Tinatamad lang talaga ako magkwento.

*hikab*

inaantok pa ako.. epal naman kasi yung Drum and Lyres na yan. NAKAKAGOLAT kasi! Akala ko kung ano nang meron dito sa subdivision. Kala ko ina-nunsyo na yung nanalo sa botohan ng bagong board of achuchu. Yun pala foundation day lang ng preparatory school na dati kong pinapasukan at nilalabasan. ^__^

“ma, bakit dati.. wala kaming foundation day? ganun ba talaga pag 1st batch of students?”

di man lang ako nakaranas ng ganun ng bata ako. Sabagay nakakahiya nga naman kung mag mamarcha kayo dito sa subdivision tapos ang konti niyo naman.

anyhoo. inannounce na din ang nanalong mga board of (di ko alam ang tawag) dito sa aming subdivision. Good Heavens! buti na lang “landslide” ang nangyari. Napatalsik lahat ang nasa pwesto at napalitan ng “fresh candidates”. Pano ba naman kasi, sobrang kurakot yung mga dating nasa pwesto. Kaya sino ang magaakala na “subdivision” ang kinalalagyan namin, pano naman kasi sa sobrang kakurakutan, yung sa halip na ipangbayad nila sa MERALCO nilalagay ata nila sa kanilang mga bulsa.. kaya naman yun walang bukas na street lights pag gabi. At syempre medyo malapit tong village namin sa squatters area, marami ang mananamantala.. Madaming mag-a-attempt na magnakaw.

Ansarap ng walang pasok. Badtrip nga lang kasi walang pera.haaay buhay estudyante nga naman oh. Pero okay na din siguro. Atleast pahinga lang ng pahinga.

“welcome to the world of reality”
-sabi ng isang kaibigan

pinaguusapan namin that time yung pag-pasok ko sa kolehiyo. Sus, di ko pa nga alam kung san ako papasok eh. Pati yung course na gusto ko wala pang kasiguraduhan, feelingero kasi ako, ang kukunin ko yung hindi bagay sakin.. yung alam kong ibabagsak ko din. ECE at ChE.

ECE, electric and communication engineering, at ChE , Chemical Engineering. Hindi ko din alam kung bakit yang dalawang yan ang pumasok sa utak ko.

pero sa tingin ko eto ang mga rason..

1. Para naman pag tinanong course ko.. masabi nilang,”wow naman, ang tali-talino mo naman”. Kahit alam kong hindi. ^__^

2. Kasi Electiral Engineer at erpat ko, at gusto ko higitan ang mga achievements niya.

“mga” na yang dalawa, kaya pwede na yan!

hala. nawala nanaman mga sasabihin ko. kinausap kasi ako ni ermat eh.

todoink.

yay! pauwi na tatay ko. may bagong selpon nanaman ako!

hooray. grabe.sobrang excited ako. hindi lang halata. (~.~)

Pebrero 25, 2008 at 11:34 umaga Mag-iwan ng puna


Potato Facts

  • 48,756 na ang pumot-pot

ano bang pinasok mo?

unang-una sa lahat..

ang hindi mag-comment..MABABAOG

porn site. explicit and adult content
ewan ko kung mahanap mo yung ni-rereseach mo.. pero malamang hindi. makikita mo lang dito ay puro kalokohan, kabaliwan, kasiyahan, kalungkutan, kasawiaan, ka-etsingan, kabuhayan, kabaryo, kabisyo.. at kung ano-ano pang ka~ name it... meron ako niyan.
magbasa ka na lang at magkomento, para naman maging masaya ang sambayanang pilipino!
di lang komento ang tinatanggap ko.. pati na din pera, de-lata at kung ano-ano pang pwedeng ibigay.. basta ba galing sa puso eh..
la na. korni na. n_n

bulok na patatas

Kalendaryo

Pebrero 2008
L L T M H B S
« Jan   Mar »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
242526272829  

affliations ni pot-pot

PindOT-PindOT

  • Wala