Archive for Hunyo, 2009

from a tiger to a tamaraw

busy ako. SOBRA. madaming nangyari.

at humantong ako sa pagtalikod sa UST para magsimula ng panibagong buhay. Hindi po ako debarred, umalis lang talaga ako sa USTe kasi…. *ayoko na ikwento*

kasi una, mababaw ang dahilan ko, at pangalawa sasabihin niyo lang na katangahan ng puso ang pinairal ko. Tama na siguro ang kalahating taon ng pagpapaka-emo. YAK!

pero dahil wala ata akong isang salita, eto na lang ang ugat ng paglisan ko:

LINTIK NA LABLAYP. di ko kaya makasalubong ang ex ko sa loob ng campus, nawawalan ako ng gana magaral.

eto na ang kwento ko.

–oOo–


June 18, 2009 – naconvert ang nagpalaglag na tigre sa isang tamaraw. OO. TAMA RAW, ikaw hindi. LOL

ano nga ba nangyari sakin sa unang dalawang araw?

sa totoo lang, kabado ako nung unang araw ko sa piyu, kabadong kabado talaga. Dobleng kaba yun kung ikukumpara ko nung pers day ko sa USTe.

May mga sapot na namu-muo sa aking isipan kung ano ang mga pwedeng mangyari at napapaisip na din kung may gwapo ba akong magiging kaklase, biro lang.

Sino ba naman ang may gusto na mapanis ang laway niya sa klase diba, takte pag nagkataon ang baho nun, at dahil na din Mass Communication ang kinuha ko ngayong taon asahan mo na ang mga talakero’t talakerang nilalang.

At hindi nagtagal, ayun. Kilala ko na ang buong klase, at take note. Hindi ako friendly, hindi talaga. At kalaunan pa umingay na ang klase. Pumasok naman at nagpakilala ng pormal ang mga propesor, pero binigyan nila kami ng oras para kilalanin ang isa’t isa.

Mga uri ng kaklase ko:
*May mga hindi magpaawat sa ingay at medyo may pagka-over na at parang nagiging papansin.
*May mga kikay.(Kelan ba nawala yun?!)
*May mga pa-impress sa first day.
*May High IQ, Middle IQ at Close to Low IQ (bawal siraan ang blockmates)
*May pogi, magaganda, at AH-UHM! (wala daw taong pangit e, ewan ko lang kung tao sila.)
*Madaming ka-federasyon! YEY!
*May mga tahimik, hindi mo alam kung nakikiramdam o tahimik talaga kaya mapapatanong ka na lang kung nasa tamang kurso ba sila.

at.. May crush ako. lol, connected yan. *tawang malandi [hihihihihi]*

Kalog ang mga propesor namin, maliban sa PE, Economics at History, kung bakit.. mahabang usapan na yun, tsaka ko na lang ikukwento. Pero masasabi ko naman na mabait sila.



nagkaroon din ng eleksyon. At puting kuting naman oh.

ako pa ang na-halal na presidente. pero, ok lang, cute naman si VP e.
sa madaling salita…cute assistant ko.

pero.. hindi talaga ako Friendly.


(ang saya ko noh?! sana tuloy tuloy na to.)

Advertisements

Hunyo 19, 2009 at 8:39 hapon Mag-iwan ng puna


Potato Facts

  • 48,756 na ang pumot-pot

ano bang pinasok mo?

unang-una sa lahat..

ang hindi mag-comment..MABABAOG

porn site. explicit and adult content
ewan ko kung mahanap mo yung ni-rereseach mo.. pero malamang hindi. makikita mo lang dito ay puro kalokohan, kabaliwan, kasiyahan, kalungkutan, kasawiaan, ka-etsingan, kabuhayan, kabaryo, kabisyo.. at kung ano-ano pang ka~ name it... meron ako niyan.
magbasa ka na lang at magkomento, para naman maging masaya ang sambayanang pilipino!
di lang komento ang tinatanggap ko.. pati na din pera, de-lata at kung ano-ano pang pwedeng ibigay.. basta ba galing sa puso eh..
la na. korni na. n_n

bulok na patatas

Kalendaryo

Hunyo 2009
L L T M H B S
« Jan   Jul »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

affliations ni pot-pot

PindOT-PindOT

  • Wala