Archive for Marso, 2008

kung gusto mo mag-aksaya ng oras.. basahin mo to :)

bago pa ako topakin, gusto ko lang muna sabihin na.. GRADWEYT NA AKO.. sa mataas na paaralan. Kolehiyo na lang poproblemahin ko. n_n

semana santa ngayon. At tuwing holy week, nawawalan ako ng Social life, pero okay lang.. isang linggo lang naman akong magtitiis eh. And besides, naimbento na ang INTERNET.

after nun back to normal ulit.

tinatamad ako kumilos. Ang tindi kasi ng heat ni haring araw. Kahit ubusin mo ang anti-perspirant sa armpit mo, hindi pa din maiiwasang jabarin ka! uhmaygali!

walang magandang mapanood sa telebisyon ngayon, kasi naman every year tuwing holy week, ganun ang mga palabas.. Sa cable naman walang kalatuy-latoy ang mga palabas. Buti na lang talaga eh naimbento ang DVD player at sangkatutak na Pirated DVD’s. 🙂

nagoonse nanaman ang ilong ko. nakakainis. Ayoko ng sinisipon. Mas lalo akong tinatamad kumilos. Pano wala ka nang ibang ginawa kundi suminghot ant suminga. Punas dito punas diyan. Tila wala na bang katapusan yung fluid/mucus na nabubuo dun.

sobrang naging busy ako.. kaya hindi din masyadong nakapag-blog. Gusto ko kasi grumadweyt, kaya kailangan kumpletuhin ang mga kulang kulang. Awa ng Diyos natapos ko naman ng maaga at nakapag bonding pa ako sa aking mga kaklase.

nakakainis. bawal ang karne. Eh hindi pa naman ako yung species na omnivore. kung tutuusin, carnivore lang ako.. HAII. as in meat. meat ng baka, baboy at manok lang kinakain ko.. Pag dating naman sa isda, tilapia lang. Eh mga ulam dito di mawari kung san pinagkukuha eh. Tuloy, purgang purga na ako sa NUDOLS!

aalis pala kami mamaya. yahoo! miss ko na ang province namin e.

yay!

o sha sige. hindi pa ako nkapagiimpake eh.

Advertisements

Marso 21, 2008 at 6:00 hapon 1 puna

ingat ka ha?

and now the end is near!

oo.. malapit na matapos ang hayskul layp ko..

kanina, general rehearsal namin, REHEARSAL pa lang yun, tapos mga mukha namin hindi mawari.. nalulungkot na masaya..

nalulungkot kasi, magtatapos na yung pagsasama ng barkada, tropa at mga ibang love teams, masaya kasi we are going to face the reality. Papasok na kami sa kolehiyo, mararanasan na namin maghirap at mawalan ng social life — hala? paano na ako nito?

after ng practice namin, dumeretso na kami sa tom’s world (uyy, plugging) andun na kasi kami sa loob 5 minutes bago mag-open yung Mall. O saya diba? Ang sarap pala ng feeling na kayo kayo lang yung tao sa mall.. Ayun, syempre wala naman kaming dalang malaking pera, pero hindi yung naghinder samin para hindi makapaglaro, hala sige.. Bili ng token kahit wala nang pera.

Syempre namasdan ko ang unti-unti na pagkapal ng tao. At as usual, nakapag observe nanaman ako.

Kung hindi niyo naitatanong eh, medyo mahilig ako mag-obserba ng mga tao. Hindi ko din alam kung bakit. Natutuwa lang ako pagmasdan sila.

May mga iba’t ibang tao kang makikita sa mga Arcade Centers (i.e. Tom’s World, World’s Of Fun, Time Zone at Powerstation etc.)

1. Simpleng Tulisan
– Siguro naman ay nakapunta ka na ng arcade/amusement center? Madalas may machine dun na maghuhulog ka ng token, tapos may chances ka na makakakuha ng sangkatutak na token pag naitulak ng kapirangot mong token ang mga nakausli.
– May mga pumupunta kasi dun na sobrang mauutak, na sa halip na bumili at maghulog sila ng token eh tinutuktok na lang nila ang machine para magkaroon. Mautak na gawain, kaso pag tumunog ang machine at nahuli ka.. Patay! lagot ka na!

2. Mga Hayok sa Top Score
–  Oo, madalas kang makakakita nito lalo na sa BasketBall Hoops. Kasi pag naka 90+ score ka may free game. Madami akong nakikitang ganito. SObrang adik. Consecutive yung pagshoot nung bola dun sa hoops. Nakakatuwa silang panoorin.. Game Face kasi, na tipong kalabitin mo eh magdasal ka na.

3. Mga Napadaan lang at nagaambisyon
– Mga taong dumadaan lang, umupo sa isang racing simulation game o kaya naman time crisis, tapos magmamaneho o hahawakan yung baril, tapos maglalaro kahit yung “Demo screen mode” ang nakalabas. Sila yung mga ayaw bumili ng token at solb na sa pa-ganun ganun lang.

4. ABUSO
– eto ang pinakamatindi, yung mga magnanakaw, na sa sobrang kapal ng tao eh nagnanakaw na sila ng gamit sayo

.::kaya ikaw.. mag ingat ka sa arcade centers ha?

Marso 15, 2008 at 9:56 hapon Mag-iwan ng puna

hoy ikaw!

unang una sa lahat..gusto ko lang magpasalamat sa aking bossing na si holy.kamote (http://holy-kamote.blogspot.com) dahil ginawan niya ako ng sobrang iksing prayer. Sana nga makagradweyt pa ako pagkatapos nun.

Madamot ako. Oo! Kasi nanghihiram yung mga kaklase ko ng Photoshop.. gagamitin daw nila para sa project nila sa Computer.. Eh syempre gusto ko ako lang ang magkakaroon ng greyd.. kaya ayun di ko sila papahiramin. n_n

nakakatamad na pumasok, pero kailangan talaga eh, nagpatong patong na ang mga dapat i-practice.. andyan ang sangkatutak na role-playing, ang practice sa graduation.. At isama na din ang pagrereview para sa darating na Periodic Exam.. syeeet! sana naman makasurvive pa ako.
Hindi pa ako tapos sa mga proyekto na ipinapagawa ng titser namin samin.. At pasahan na nun bukas.. Inuna ko muna tong pag-bla-blog.. Para naman maka-release ng stress kahit papano.

==

p.s. sa wakas lumakas na din ang loob ko.. n_n marunong na ako lumangoy.. wee~  nakagradwet din ako sa mga hanggang leeg ko.. ngayon lampas na sakin n_n

tsaka na yung matindi kong entry.. nagmamadali na ako ehh.. baka kasi mapurnada pa yung reward na matatanggap ko n_n

Marso 2, 2008 at 7:52 hapon 11 mga puna


Potato Facts

  • 48,728 na ang pumot-pot

ano bang pinasok mo?

unang-una sa lahat..

ang hindi mag-comment..MABABAOG

porn site. explicit and adult content
ewan ko kung mahanap mo yung ni-rereseach mo.. pero malamang hindi. makikita mo lang dito ay puro kalokohan, kabaliwan, kasiyahan, kalungkutan, kasawiaan, ka-etsingan, kabuhayan, kabaryo, kabisyo.. at kung ano-ano pang ka~ name it... meron ako niyan.
magbasa ka na lang at magkomento, para naman maging masaya ang sambayanang pilipino!
di lang komento ang tinatanggap ko.. pati na din pera, de-lata at kung ano-ano pang pwedeng ibigay.. basta ba galing sa puso eh..
la na. korni na. n_n

bulok na patatas

Kalendaryo

Marso 2008
L L T M H B S
« Feb   Apr »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

affliations ni pot-pot

PindOT-PindOT

  • Wala