Archive for Nobyembre, 2007

access denied.

sira ang http://www.multiply.com

actually hindi naman talaga sira. pero kanina nung mga 2:00pm.. chineck ko ang site.. at ang sabi, down daw muna ang site nila.. sapagkat nagkakaroon daw ng mga “upgrades” ngayon pagbalik ko.. ayos na ang problema.. account ko lang ata ang ayaw mag log-in.. na everytime pinipindot ko ang “sumbit” button.. bumabalik lang sa re-log in page.

sana naman hindi na cancel ang account ko.

kundi, mababaliw ako

Advertisements

Nobyembre 29, 2007 at 9:07 hapon Mag-iwan ng puna

necessity over wishes

bibilhan ang kapatid ko ng bagong cellphone. at kasama ito sa N-series.

feeling ko tuloy napagiiwanan na ako ng panahon pagdating sa latest gadgets. kasi mag tatalong taon na si 6630 sakin.. oo magtatatlong taon. Nararamdaman ko na dalawang taon pa ang itagagal niya sakin. Nararamdaman ko na pag 2nd Year college na ako eh, mapapalitan ko na ang uugod-ugod kong phone.

at syempre dumating ang N95.tae talaga kahit ang bulky niya, inlove talaga ako sa phone na iyon.

GUSTO KO NG BAGONG LARUAN!!

kasi naman ang ganda talaga non. ALL IN ONE DEVICE sabi nga sa diyaryo.

ngayong gagradweyt na ako.. ang balak ko na grad. gift ay braces, na halos ka-presyo din ng n95 na Music Edition. WAAAAAAA

naguguluhan talaga ako. Hindi ko alam kung alin ang gusto ko sa dalawa.

dun ba muna ako sa kailangan o sa mas kinakailangan?? 😛

necessity o wish ang uunahin ko??

i need your help guys

Nobyembre 24, 2007 at 9:57 umaga 8 mga puna

taking responsibilities

walang tao sa bahay kundi ako lang. Oo, ako lang. Umalis kasi sila papunta sa Angono dahil tutugtog ang Drum and Lyre para sa pyesta doon.

Kaya naman todo bilin si nanay. Saraduhan mo yung pinto ng maayos. etsetera,etsetera.

Ang dami niyang binilin bago umalis, kaya naman natatakot akong iwanan tong bahay.  Hindi naman kasi siya dati ganun magbilin. SWEAR! yung dati simple lang talaga, eh ngayon.. Ultimo yung daga iwanan daw ng pagkain. Pero naiintidihan ko naman siya kasi mahirap nga naman talaga pag napasok ang bahay namin ng magnanakaw, at pag nagutom din ang aming daga, eh.. ewan ko. malay ko ba sa daga namin.

==

Tarsday ngayon. naka-P.E. uniform kami.  at tuliro ako dahil wala akong rubber shoes.. pano ba naman nilabhan ko kahapon. Di ko manlang naisip na may P.E. kami ngayon.. badtrip talaga. Di ko alam kung papasok ako ng P.E. shirt and pants suot ko sabay tsinelas ang suot diba?

arrgh.. asar talaga.. i don’t know what do..

Nobyembre 22, 2007 at 6:32 umaga 2 mga puna

early Christmas shopping??

grabe, it’s almost been a week that I haven’t opened my blog.

Hindi ko alam kung na-miss ko ang blogging..

isang malaking tae.. tae talaga.. wala akong kapera-pera at ngayon medyo namromroblema pa ako kung saan ako kukuha ng pang-Christmas Shopping, lalo’t pa at may inaanak ako ngayon.. alam ko na kahit hindi pa sila marunong maglakad eh, nandyan yung mga nanay nila na lalapit upang hingin ang aginaldo para sa kanilang mumunting anghel, sila daw muna yung tinatawag na “substitute”.

Nagyaya ako ng isa kong kaklase na pumunta sa Divisoria upang makabili ng mga pag regalo sa mga kaklase ko.. it’s the thought that counts,o nga mura ang bilihin don, pero hindi biro ang pagsugod at pakikipagsabayan sa mga tao doon. Lalo na’t papalapit na ang Pasko, marami diyan ang mag e-early Christmas Shopping na, pero what do you expect from divi diba? kahit early ka pa.. masikip pa din.. what more kung sa December pa kaya.Kaya nagiipon muna kami ngayon and hopefully bago mag-end ang november, makapunta kami doon.

At syempre, nandyan din ang exchanging of gifts sa eskwelahan, medyo badtrip nga eh. 150-200 php ang priceng gift na bibilhin, eh balak ko pa naman yung tig-200 talaga kasi parang nakakahiya naman pag yung tig-150 lang.. napakaminimum masyado.

WALA NA AKONG IPOOOOON! pera.pera.pera. San ako kukuha ng pang- Christmas shopping ko? demmet.

bigla pang nag announce kanina na ang bawat row, may ma-a-assign na teacher para bigyan nila ng regalo sa pasko.. at take note, adviser pa namin ang nabunot namin.. actually hindi na yung nabunot kasi yun na lang talaga anh natira since nasa last row kami.

=== side story about sa adviser ==

hindi naman sa naninira ako ng reputasyon ng isang kagalang-galang (kagalang-galang nga ba?) na guro, pero since siya ang first teacher namin sa unang subject na trigonometry. Basta hindi ko rin alam kung bakit.. pero sa isang oras na pagtuturo niya sa harapan (or kung ano mang oras na magturo siya) bigla na lang ako sinisipon at bumabahing. I’m not being mean or whatsoever, pero totoo po ang sinasabi ko. Kaya after ng 1st class namin, makikita mo na lang na may nakalawit na kulangot sa ilong ko.. kasi sobrang bahing ang pinoproduce ng aking katawan. After ng class niya which is from 7-8am.. mawawala na lang ang aking sipon. SWEAR! i’m not kiddin’. Tapos pag yung subject niya ulit na Values 11:30-12 ayan todo *hatchiiiinnnnng* nanaman ako. Siguro dahil na din sa mabantot niyang pabango..

====

ayon. balik tayo sa Christmas Shopping, iniisip ko din kung pwedeng mag St. Francis Square na lang kami or sa Greenhills Shopping Center, kaso baka magkulang talaga ang budget, kaya badtrip talaga.

Nakakaasar talaga pag walang pera. I NEED A JOB.

makapag-apply nga. kahit saan. wag lang magtulak ng droga. ayoko pa makulong.

MGA PWEDE KONG PAG-APPLYAN:

pag sayaw sa mga Bar pwede pa siguro. Ok lang yun, kasi pag ni-raid.. pwede pa naman akong tumakbo, eh medyo may kabilisan naman ako tumakbo.

 taga hugas ng puwet ng presidente o mga artista. malaymo diba? pumayag sila kasi medyo nandidiri sila sa kanilang puwet matapos dumumi. Aba, ok lang sa akin na ako na ang maghugas sa kanila, kaso ang rate ko.. 500. mahal noh? pero afford naman nila, tsaka malambot naman kamay ko di talaga sila magagalusan.

 Katulong. Kaso ang bayad sakin per second. 1php per second.

Artista.  baka gusto niya lang ako kunin? Sinasabi ko sa inyo. I would really make a big name in showbiz industry, pwede akong pumalit kena bangkay. lol. pero seriously. talented talaga ako.

Taga-laba. I know di pa ako sanay, pero pwede na din kasi desperado talaga ako!

anak ng pating nga naman oh.. Eh kung daanin ko na lang sila sa mga palusot ko?

Para sa mga magulang ng inaanak. “Hindi niyo ba napankinggan ang pari noong binibinyagan niya ang anak niyo? Na ang mga ninong daw ay tumatayong pangalawang ama. HINDI DAW KAILANGAN NG MATERYAL NA BAGAY TUWING PASKO O KAARAWAN NG INAANAK, bagkus dapat nila alagaan, parangalan at gabayan ang kanilang mga inaanak.”  –oha! panalo diba?

Para sa mga ka-Relasyon. “uhh.. pagpasenyahan mo na to, medyo madami kasi akong inaanak, tsaka diba sabi mo mag-ipon na tayo para sa darating nating kasal.”  –panalo ulit. ginamit mo pa ang batalyon mong inaanak!

wala akong maisip para sa mga kaibigan. kasi masyado silang espesyal sakin.

kanya-kanya lang namang diskarte yan. Nasa iyo kung gusto mo magbigay ng regalo o hindi. Sabi nga nila Ang Pasko ay hindi tungkol sa pagbibigayan ng regalo o pagtanggap nito, kundi ang pag alala ng kapanganakan ni Hesu Kristo. At kung mamimigay ka ng regalo siguraduhin mo na hindi ito labag sa iyong kalooban, para masaya ang lahat diba?

Advance Merry Christmas to all! 😀

Nobyembre 21, 2007 at 4:38 hapon 1 puna

blag lib

muli, ako’y nasa dalawang araw na blog leave.

may YFC camp kasi, at isa ako sa mga discussion group leaders.

till next entry 😀

Nobyembre 16, 2007 at 9:30 hapon 2 mga puna

kinalbo

naghehesitate ako magpagupit nung sunday, kaso naalala ko na may hair inspection sa darating na monday.. at dahil tinulak na din ako nina ate violi at ate krz na magpagupit.

Think of the consequences na pwede daw mangyari pag hindi ako nagpagupit. Oo nga naman, mauukuaan ang patilya ko kung ganon. Kaya naman kahit 7pmna eh, go pa din ako sa Reyes Haircutters.

Kaya naman sumakay pa ako ng Dyip at Trysikel.

Pagdating ko dun, wala yung gumugupit sakin. Kaya naman napilitan akong magpagupit dun sa lumapit saking bakla. Kaya naman sabi ko .. sige go, kasi baka magustuhan ko yung gupit niya.

Umupo ako. HOTSEAT talaga yun, tuwing umuupo ako sa chair eh parang may kung anong ewan kaya naman sobra akong pagpawisan.

Tinanong niya kung anong gupit ang gusto ko. Sabi ko 2 by 3 , yun kasi ang required.At sinabi ko na wag.. inuulit ko WAG BABAWASAN ANG NASA TUKTOK kasi may gagawin ako dun in the near future, papa-hair-spa sana ako.

Hinawakan niya ang electric razor. At BOOM! walang kwenta ang pagtanong niya sakin kung ano ang gupit ko… dahil.. ginawa niya akong SEMI-KALBO!! demmit.

wala nanaman akong magawa dahil nabawasan na yung buhok ko. kaya sige go. ang nasa isip ko na lang nun “THERE’S NO HARM IN TRYING NEW A HAIRCUT”.. pampalubag loob na lang kung baga.

at sinabi ng bakla “ayan gwapo na siya” ay, potres. kamusta naman yun diba? bolahin daw ba naman ako?  at yun.. kung ano-ano na pinag tatanong niya sakin na para bang gusto niya ako palakihin..

matapos magupitan(shinapoohan pa niya ako) iniisip ko talaga ang mga reaksyon ng mga kaklase kong pulaero’t pulaera kapag nakita nila ako..

hays. Ewan ko na lang… basta.. DI NA MUNA AKO MAGPAPAGUPIT!

Nobyembre 13, 2007 at 6:54 hapon Mag-iwan ng puna

ang pagbiyahe sa dibisoriya

kahapon, mga tangali, tinext ako ng pinsan ko.

“oi potpot, si **** to, pupunta tayong divisoria.. wag ka na maligo(kung hindi ka pa naliligo) dalian mo paalis na tayo.”

my gulay! tuloy ang pagpunta namin sa divisoria.. AT HINDI PA NGA AKO NALILIGO **dooooooooomed**

kaya dali dali akong tumakbo sa banyo upang maligo. sobrang rush talaga yun, wala nang hilod hilod.

Dumating ako dun. Nagulat nang nalaman ko na sasama ang Unabia Cousins Manila Chapter, ang saya kasi bonding nanaman kami.

Isa lang ang aming mga dahilan kung bakit sumama.. dahil sa libreng pagkain c/o tita Ellen.. THANKS TITA! **hugs**

anyway, ehdi sumakay na kami sa kotse ng pinsan namin, ang plano, sa gateway namin ipaparada yung car, tapos sakay na kami ng LRT para mas mabilis.

Nasa Gateway pa kami, nag-CR kasi mga kasama ko kaya ako tinext ko yung “TWIN” ko, sabi ko nasa Gateway nga ako tapos sabi niya, sa Robinsons nga daw sha pupunta.  Pero, nung papaakyat na ako sa may LRT, bigla namang nagtext si “TWIN” na kabababa lang niya sa Araneta Cubao, tuliro, sayang. Magkikita sana kami ng wala sa oras. MAY HUG SANA SIYA! asar, kababa lang niya ng tren, ako naman pasakay pa lang.(hi twin)

Kaya ayun, sobrang nakakapagod sa divisoria, wala akong binili maliban sa DVD. Kasi wala naman talaga akong nagustuhan. Sana pala si twin na lang kasama ko nun..

-nagpakapagod lang ako.yun lang

Nobyembre 11, 2007 at 4:54 hapon 1 puna

Older Posts


Potato Facts

  • 48,756 na ang pumot-pot

ano bang pinasok mo?

unang-una sa lahat..

ang hindi mag-comment..MABABAOG

porn site. explicit and adult content
ewan ko kung mahanap mo yung ni-rereseach mo.. pero malamang hindi. makikita mo lang dito ay puro kalokohan, kabaliwan, kasiyahan, kalungkutan, kasawiaan, ka-etsingan, kabuhayan, kabaryo, kabisyo.. at kung ano-ano pang ka~ name it... meron ako niyan.
magbasa ka na lang at magkomento, para naman maging masaya ang sambayanang pilipino!
di lang komento ang tinatanggap ko.. pati na din pera, de-lata at kung ano-ano pang pwedeng ibigay.. basta ba galing sa puso eh..
la na. korni na. n_n

bulok na patatas

Kalendaryo

Nobyembre 2007
L L T M H B S
« Oct   Dec »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

affliations ni pot-pot

PindOT-PindOT

  • Wala