Archive for Abril, 2008

pahabol kay Bb. Pilipinas World 2008

Host: Identify an organ in the human body that starts with the letter ‘L’

Little Miss Philippines: the LUNGS! Without it we cannot breathe.

Ms. Gay: the LIVER, without it our body will weaken because the liver cleanses our system.

Bb. Pilipinas World: I’m only 17 years old and my answer is the L-BOW! Oh my God! I’m so sorry! Without it we cannot spread our our wings and fly…butterfly! I told you I was confident..

Advertisements

Abril 30, 2008 at 4:14 hapon 1 puna

edukasyon atbp.

“Education is the ability to listen to almost anything without losing your temper or your self confidence”
-Robert Frost

medyo kakakuha ko lang ng aming school “annual”, at ang masasabi ko sobrang nadisappoint ako sa kapangitan gandahan ng layout. (okay, ang mean ko.. sige. E for EFFORT nga naman, este A pala) Tapos ang kapal kapal pa. SOBRA! yung picture ko nga dun parang 7/4 ng 1/16 lang ang na-occupy! okay na din. at least colored! in other words, mukha lang siyang PHOTO ALBUM! Potek sana ako na lang hi-nire nila para sa layout nun, mas makakatipid pa sila.

ang sama kong critic. Oh well, very useful naman yung quotes niya sa loob. Madami, ang masaklap lang di ko maintindihan, English kasi.

English, Sobrang hina ko sa subject na yan (feeling ko) kaya naman hanggat sa makakaya ko ay nagsisikap ako bumuo ng grammatically correct sentences. (trip ko lang isingit, alam kong wala shang konek.)

Speaking of Education, College student na ako this coming pasukan! YEY! haharapin ko na ang pagbabali ng buto at pagsusunog ng kilay para sa napakataas na grade.. tres. Pakiramdam ko mawawalan na ako ng social life noooooooooo!!, potek. Kelangan ko magsikap para sa magandang kinabukasan. Ayokong makadagdag sa populasyon ng mga “unemployed” at ayoko din mauwi sa pagkahaba-habang pila sa NFA rice dahil sa “kakulangan” sa pera.

bored lang ako.

bored ako. kaya naman kanina, naisipan ko na pumunta at magpaaliw sa blogs nina HOLY KAMOTE at CHILLIDOBO kaso, nagpaalam na pala sila. *hikbi*

kung ano man ang mga rason nila ay malugod kong nirerespeto iyon.

*salamat sa inyo, isa kayo sa mga nag inspire sakin para magsimula ng blog. At salamat din kahit papaano ay nakiliti niyo ako sa inyong mga likha.

Abril 30, 2008 at 4:10 hapon Mag-iwan ng puna

national issue

hinde! hinde ako pabor dun sa “project” ng DSWD  na pagbibigay ng monthly sustento sa mga pamilyang mahihirap.

abuso! oo, aabusuhin lang nila yon. Tama yung nagsabi na may mataas na pwesto sa caritas. AASA AT AASA NA LANG SILA!

potek! unfair! nakaupo lang sila may sustento na sila? Eh pano naman kaya kami? MY PARENTS ARE WORKING THEIR ASSES OFF TO EARN CASH! tapos, ang masaklap dun, one has to work abroad. oo, nag susuffer kami dun.

haay. sourgraping lang.

>.<

itigil na ang kalokohan na yan! amp!

Abril 29, 2008 at 1:43 hapon 4 mga puna

maagang na-ulila

“maswerte ako.. hindi ako naulila sa murang edad. 😦 ”
-nasa isip ko, habang kaharap ang tatlong bata(magkakapatid) na wala ng ina.

kanina, umalis kaming pamilya para pumunta sa caloocan/novaliches, para bisitahin yung kamagnak namin na nakatira dun..

pagkadating namin, may nakita kaming tatlong bata na bago sa aming paningin..yun pala yung kinukwento ng tiya ko na pinapaalagaan sa kanya sa halagang 1,500php.

at inusisa ng ina ko ang buhay ng mga batang iyon.. at malugod namang kinuwento ng tiya ko. At para sakin, medyo nagkainteres ako sa mga batang ito..

ganito ang kwento..(hindi ko alam ang mga pangalan nila.. kaya bigyan na lang natin to make the story a lil’ bit clearer)

tatlo silang magkakapatid.. isang lalaki at dalawang babae.. isang 7y.o. (Alex) isang 5(Bea) at 3y.o (Cathy). kung titingnan sila, awa ang mararamdaman mo.. ang dusing nilang tignan. Tapos yung panganay na lalaki may medyo pagka-abnormal hindi siya mashadong marunong makipaghalubilo at minsan, masama pa ang tingin sa iyo(kung bakit.. hintayin mo) tapos yung bunso. bulol pa magsalita-wala kasing gumagabay at nagtuturo sa kanila.

ulila sila sa nanay. Namatay ang nanay nila dahil sa atake sa puso. Napatawag kasi ng eskwelahan ang nanay ni Alex dahil may nagawa itong medyo maliit na sala. Pununit niya daw ang papel ng kaklase niya.. At nung nagkaharap na ang dalawang panig, walang tigil na dinakdakan ng kabilang panig ang ina ni Alex habang karga-karga ang bunsong anak nito na si Cathy, at bigla itong inatake sa puso kaya ang karga niyang anak at nahulog sa sahig.. at ang nanay nila..binawian na agad ng buhay.. Mismo sa harap nila Alex.
Tatay na lang nila ang bumubuhay sa kanila. Ang trabaho pa niya, janitor sa isang condominuim sa Edsa. Kung tutuusin kulang ang sweldo niya para sa kanilang apat.

Yun ang kwento nila.

awang awa talaga ako habang pinagmamasdan sila. Kasi sobrang aga nila nawalan ng ina..Walang gumagabay at nagtuturo sa kanila. Mabait naman sila, masunurin at walang hirap ang nagaalaga sa kanila dahil sila’y nasa isang tabi lamang.. tahimik.. nagsosolo, hindi mashadong nakikihalibilo sa ibang mga bata Loner ika nga.

“Kelangan ni Alex ng psychiatrist” sabi ko sa nanay ko, kelangan ng panganay ng isang dalubhasa. Walang duda na kaya siya nagkaroon ng “ibang mundo”, dahil nakita niya ang pagkamatay ng ina niya.

makikita mo sa mata nila ang “lungkot”. Mahirap silang patawin, at sobrang bihira lang talaga sila ngumiti.

Sinubukan ko silang kausapin.. tinanong ko sila ng mga tanong na “anong pangalan mo..” pero hindi sila sumagot.

Maski ang nanay ko, naawa sa kanila. Kulang na lang tumulo ang luha niya.

Noong pauwi na kami, may naisip ang nanay ko. Alam kong mapagmahal siya.. Kaya naman binilin niya sa aking tiya ko na kapatid niya, kung pwede, ipagpaalam ni tiya sa kanilang ama kung pwede muna ipahiram sa kanya yung mga bata kahit isang buwan lang, para manlang mayakap (ibig sabihin, ipakita at ipadama ang pagmamahal ng isang ina) sila kahit sandali lang. Natuwa ako sa ideyang iyon. Sana pumayag yung ama nila.. Gusto ko sila baguhin sa ikabubuti nila. At kung mangyari yon.. sobrang fulfilling na..

Gusto ko sila ngumiti.. yan! papangitiin ko talaga sila pag pumayag yung ama nila..

Sobrang thankful lang ako.. kasi may nanay ako na nagmamahal sakin. na nagtouch sakin at gumabay sa aking paglaki. Alam kong sobrang pasaway ako, rebelde. Pero after encountering them, nagiba na yung pananaw ko. 😦

ayoko na maging suwail.

kaya ikaw, mahalin mo magulang mo.. kahit sino pa sila.

Abril 20, 2008 at 8:19 hapon 4 mga puna

bummer n_n

okay. ang tagal tagal ko na palang hindi ng blog. okay. mixed emotions.

medyo kakaalis lang ulit kasi ng tatay ko, bumalik sa Saudi para magtrabaho ulit, kelangan niya sumweldo para may pang-enroll kami. Okay naman ang 50days stay niya dito sa ‘Pinas. Kahit may mga nangyari hindi maganda (hindi naman maiiwasan yun diba?) pero all-in-all masaya talaga, I cried really hard nung moment na nag-bade ako ng goodbye sa father ko. Kasi gusto ko pa, namin, talaga sha makasama. Pero wala naman akong magagawa kasi kelangan namin mabuhay..

Bakit naman kasi ang hirap kumita ng pera dito sa ‘Pinas?

Sana pala sa P.U.P. ako pumasok para medyo magaan sa magulang ko yung pagpasok ko ng kolehiyo.. pero nauna nanaman yung takot ko. Mas gusto ko pumasok sa isang “private catholic university”

kaya naman kanina, sa loob ko.. sinabi ko na kailangan kong seryosohin ang buhay college. Oo. Mas maganda kung may Reward.. I’ll do my best. I’ll study hard para naman worth it ang pag-alis ng father ko 🙂

masaya ako. kasi papasok na ako ng kolehiyo, eto na.. dito na nakasalalay ang kinabukasan ko. Kinatatakutan ko lang yung magiging outcome nung grades ko n_n , pero sige.. hindi ko muna iisipin yun. i-eenjoy ko na lang ayoko naman kasi mawalan ng social life

potek, ang hapdi hapdi ng sunburn ko. define mahapdi nakakaasar, walang kwenta ang prickly heat powder.. pinaligo ko na sa mga sunog-parts ng katawan ko. Haii, kasalanan ko to dahil hindi ako nagpahid ng in-effective sunblock. Pero sige, okay lang.. tutal, summer naman n_n

as usual. hindi ko alam kung pano tatapusin to (weakness ko eh, yuckerdee)

sige, eto na lang.. n_n
isang payong kaibigan para sa tag-init.
bago ka mag swimming. Magbabad ka muna sa sangkatutak na SUNBLOCK, para iwas sunburn.

“end” -payo ni kaibigan otep :))

yan pwede na yan

Abril 19, 2008 at 3:22 hapon 4 mga puna

Support The Philippines In The New 7 Wonders of Nature

Tubbataha Reef in Palawan

Chocolate Hills in Bohol

Mayon Vocano in Albay
Let’s promote Philippine tourism by giving our very own natural wonders a chance to be selected as one of the new 7 wonders of nature.
Vote here.  Now! Ü
Please spread the word. Ü

Abril 3, 2008 at 11:57 umaga 3 mga puna


Potato Facts

  • 48,728 na ang pumot-pot

ano bang pinasok mo?

unang-una sa lahat..

ang hindi mag-comment..MABABAOG

porn site. explicit and adult content
ewan ko kung mahanap mo yung ni-rereseach mo.. pero malamang hindi. makikita mo lang dito ay puro kalokohan, kabaliwan, kasiyahan, kalungkutan, kasawiaan, ka-etsingan, kabuhayan, kabaryo, kabisyo.. at kung ano-ano pang ka~ name it... meron ako niyan.
magbasa ka na lang at magkomento, para naman maging masaya ang sambayanang pilipino!
di lang komento ang tinatanggap ko.. pati na din pera, de-lata at kung ano-ano pang pwedeng ibigay.. basta ba galing sa puso eh..
la na. korni na. n_n

bulok na patatas

Kalendaryo

Abril 2008
L L T M H B S
« Mar   May »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

affliations ni pot-pot

PindOT-PindOT

  • Wala