Archive for Disyembre, 2007

jologs

hindi ko alam kung bakit ako gumawa ng blog dito sa wordpress,kung tutuusin may blog nanaman sa multiply. Oh well, nahumaling lang siguro talaga ako sa mga blogista sa wordpress at blogspot -ha anung konek?

—-

Jologs ako.  Oo. hindi ko din alam kung bakit.. kahit ipa-define mo pa sa akin yan, hindi ko talaga iyon masasagutan.

sa ngayon nagkaroon na ako ng 1,428 na bisita.. ang malaking katanungan lang ay.. Lahat ba ng bumisita ay nangahas basahin ang mga walang ka-kwenta-kwentang blog ko?

kaya naman.. sobrang nagbrainstorming ako, nagisip ng mabuti-na nagdulot ng lack of sleep, at nag-isip pa din ng lalo kung pano ko malalagyan ng ngiti ang aking mga readers (yuck feelingero ako)  as usual.. I came up lots of ideas with nothing.

Tuwing nakakabasa ako ng mga Humor-type-pf-blogs sobrang naiinspire ako sa kanila. At pag sinabi kong sobra, SOBRA TALAGA! Kasi panagarap ko talaga na makapagpasaya ng tao, kaya naman ako si Mr. Trying Hard. Gusto ko lang talaga maging katulad nila. I know na hindi ako magiging kahusay tulad nila, pero..(tae hindi ko ma-ekspleyn)  gusto ko magkaroon ng dating ang blog ko. At syempre magkaroon na din ng sariling estilo.

Jologs ka. JOLOGS!

speaking of Jologs, feeling ko ang baduy baduy ko manamit, hindi ko alam kung anung meron at sinabi ko pa ito.

Jologs ang fieldtrip!

oo, sobrang Jologs ng fieldtrip namin ngayong darating na Biyernes (120707).. MANILA PLANETARIUM-ano kami bata? at ENCHANTED KINGDOM –eto medyo ok para sobrang enjoy.

pero Jologs pa din talaga, pano ba naman kasi. Yung barkada namin na tinatawag nilang Tropang Arjane –hindi ko alam kung saan yan na-derive –– eh out of10, dalawa o tatlo lang kaming sasama, actually, dalawa pa lang talaga ang sigurado. isang malakas na “DUUUUH?!” Makapag enjoy kaya kami noon? Kami lang dalawa ang titili sa mga rides, kami lang ang magi-spend ng bonding moments.. Badtrip lang talaga.

Eto naman kasi ah, pano sila makakasama kung biglang a week before inannounce yung “educational trip”?  Badtrip talaga oh. Bahala na si Batman sa darating na field trip. Hopefully makapag enjoy ako.

 Jologs na Proyekto

eto talaga hindi ko matangap. Ang mahal ng project sa Physics. Actually group project siya at leader ang bahala dun bale, ambagan na lang talaga.

PROJECT: naka-assign sa grupo niyo.. isang tripod, isang wire gauze, isang alochol lamp at isang glass(pyrex) funnel. ay hayup sa kamahalan yan oh. Sino naman gagamit nun? Jusko laking display naman nun sa eskwelahan. sa 17 na ang deadline at hanggang ngayon, wala pa din akong mahanap na mga ganon. Anyone? I need answer to that question.. AYOKO BUMAGSAK!

====

ayan, ang jologs na din ng entry ko.

.::i missed blogging::.

currently listening to:  .::Wishing.:.Hale::.

Advertisements

Disyembre 4, 2007 at 5:18 hapon 6 mga puna


Potato Facts

  • 48,756 na ang pumot-pot

ano bang pinasok mo?

unang-una sa lahat..

ang hindi mag-comment..MABABAOG

porn site. explicit and adult content
ewan ko kung mahanap mo yung ni-rereseach mo.. pero malamang hindi. makikita mo lang dito ay puro kalokohan, kabaliwan, kasiyahan, kalungkutan, kasawiaan, ka-etsingan, kabuhayan, kabaryo, kabisyo.. at kung ano-ano pang ka~ name it... meron ako niyan.
magbasa ka na lang at magkomento, para naman maging masaya ang sambayanang pilipino!
di lang komento ang tinatanggap ko.. pati na din pera, de-lata at kung ano-ano pang pwedeng ibigay.. basta ba galing sa puso eh..
la na. korni na. n_n

bulok na patatas

Kalendaryo

Disyembre 2007
L L T M H B S
« Nov   Jan »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

affliations ni pot-pot

PindOT-PindOT

  • Wala