kinalbo
Nobyembre 13, 2007 at 6:54 hapon Mag-iwan ng puna
naghehesitate ako magpagupit nung sunday, kaso naalala ko na may hair inspection sa darating na monday.. at dahil tinulak na din ako nina ate violi at ate krz na magpagupit.
Think of the consequences na pwede daw mangyari pag hindi ako nagpagupit. Oo nga naman, mauukuaan ang patilya ko kung ganon. Kaya naman kahit 7pmna eh, go pa din ako sa Reyes Haircutters.
Kaya naman sumakay pa ako ng Dyip at Trysikel.
Pagdating ko dun, wala yung gumugupit sakin. Kaya naman napilitan akong magpagupit dun sa lumapit saking bakla. Kaya naman sabi ko .. sige go, kasi baka magustuhan ko yung gupit niya.
Umupo ako. HOTSEAT talaga yun, tuwing umuupo ako sa chair eh parang may kung anong ewan kaya naman sobra akong pagpawisan.
Tinanong niya kung anong gupit ang gusto ko. Sabi ko 2 by 3 , yun kasi ang required.At sinabi ko na wag.. inuulit ko WAG BABAWASAN ANG NASA TUKTOK kasi may gagawin ako dun in the near future, papa-hair-spa sana ako.
Hinawakan niya ang electric razor. At BOOM! walang kwenta ang pagtanong niya sakin kung ano ang gupit ko… dahil.. ginawa niya akong SEMI-KALBO!! demmit.
wala nanaman akong magawa dahil nabawasan na yung buhok ko. kaya sige go. ang nasa isip ko na lang nun “THERE’S NO HARM IN TRYING NEW A HAIRCUT”.. pampalubag loob na lang kung baga.
at sinabi ng bakla “ayan gwapo na siya” ay, potres. kamusta naman yun diba? bolahin daw ba naman ako? at yun.. kung ano-ano na pinag tatanong niya sakin na para bang gusto niya ako palakihin..
matapos magupitan(shinapoohan pa niya ako) iniisip ko talaga ang mga reaksyon ng mga kaklase kong pulaero’t pulaera kapag nakita nila ako..
hays. Ewan ko na lang… basta.. DI NA MUNA AKO MAGPAPAGUPIT!
Entry filed under: Uncategorized.










Trackback this post | Subscribe to the comments via RSS Feed