maagang na-ulila

Abril 20, 2008 at 8:19 hapon 4 mga puna

“maswerte ako.. hindi ako naulila sa murang edad. 😦 ”
-nasa isip ko, habang kaharap ang tatlong bata(magkakapatid) na wala ng ina.

kanina, umalis kaming pamilya para pumunta sa caloocan/novaliches, para bisitahin yung kamagnak namin na nakatira dun..

pagkadating namin, may nakita kaming tatlong bata na bago sa aming paningin..yun pala yung kinukwento ng tiya ko na pinapaalagaan sa kanya sa halagang 1,500php.

at inusisa ng ina ko ang buhay ng mga batang iyon.. at malugod namang kinuwento ng tiya ko. At para sakin, medyo nagkainteres ako sa mga batang ito..

ganito ang kwento..(hindi ko alam ang mga pangalan nila.. kaya bigyan na lang natin to make the story a lil’ bit clearer)

tatlo silang magkakapatid.. isang lalaki at dalawang babae.. isang 7y.o. (Alex) isang 5(Bea) at 3y.o (Cathy). kung titingnan sila, awa ang mararamdaman mo.. ang dusing nilang tignan. Tapos yung panganay na lalaki may medyo pagka-abnormal hindi siya mashadong marunong makipaghalubilo at minsan, masama pa ang tingin sa iyo(kung bakit.. hintayin mo) tapos yung bunso. bulol pa magsalita-wala kasing gumagabay at nagtuturo sa kanila.

ulila sila sa nanay. Namatay ang nanay nila dahil sa atake sa puso. Napatawag kasi ng eskwelahan ang nanay ni Alex dahil may nagawa itong medyo maliit na sala. Pununit niya daw ang papel ng kaklase niya.. At nung nagkaharap na ang dalawang panig, walang tigil na dinakdakan ng kabilang panig ang ina ni Alex habang karga-karga ang bunsong anak nito na si Cathy, at bigla itong inatake sa puso kaya ang karga niyang anak at nahulog sa sahig.. at ang nanay nila..binawian na agad ng buhay.. Mismo sa harap nila Alex.
Tatay na lang nila ang bumubuhay sa kanila. Ang trabaho pa niya, janitor sa isang condominuim sa Edsa. Kung tutuusin kulang ang sweldo niya para sa kanilang apat.

Yun ang kwento nila.

awang awa talaga ako habang pinagmamasdan sila. Kasi sobrang aga nila nawalan ng ina..Walang gumagabay at nagtuturo sa kanila. Mabait naman sila, masunurin at walang hirap ang nagaalaga sa kanila dahil sila’y nasa isang tabi lamang.. tahimik.. nagsosolo, hindi mashadong nakikihalibilo sa ibang mga bata Loner ika nga.

“Kelangan ni Alex ng psychiatrist” sabi ko sa nanay ko, kelangan ng panganay ng isang dalubhasa. Walang duda na kaya siya nagkaroon ng “ibang mundo”, dahil nakita niya ang pagkamatay ng ina niya.

makikita mo sa mata nila ang “lungkot”. Mahirap silang patawin, at sobrang bihira lang talaga sila ngumiti.

Sinubukan ko silang kausapin.. tinanong ko sila ng mga tanong na “anong pangalan mo..” pero hindi sila sumagot.

Maski ang nanay ko, naawa sa kanila. Kulang na lang tumulo ang luha niya.

Noong pauwi na kami, may naisip ang nanay ko. Alam kong mapagmahal siya.. Kaya naman binilin niya sa aking tiya ko na kapatid niya, kung pwede, ipagpaalam ni tiya sa kanilang ama kung pwede muna ipahiram sa kanya yung mga bata kahit isang buwan lang, para manlang mayakap (ibig sabihin, ipakita at ipadama ang pagmamahal ng isang ina) sila kahit sandali lang. Natuwa ako sa ideyang iyon. Sana pumayag yung ama nila.. Gusto ko sila baguhin sa ikabubuti nila. At kung mangyari yon.. sobrang fulfilling na..

Gusto ko sila ngumiti.. yan! papangitiin ko talaga sila pag pumayag yung ama nila..

Sobrang thankful lang ako.. kasi may nanay ako na nagmamahal sakin. na nagtouch sakin at gumabay sa aking paglaki. Alam kong sobrang pasaway ako, rebelde. Pero after encountering them, nagiba na yung pananaw ko. 😦

ayoko na maging suwail.

kaya ikaw, mahalin mo magulang mo.. kahit sino pa sila.

Advertisements

Entry filed under: seryoso, tru to layp.

bummer n_n national issue

4 mga puna Add your own

  • 1. wei vines  |  Abril 22, 2008 bandang 7:58 hapon

    ayyy…

    hehe, sana pumayag nga yung erpats nila. Paligayahin mo sila ah?hehe 😉

    Sagutin
  • 2. Abad  |  Abril 26, 2008 bandang 6:20 hapon

    Sa mga ganyang pagkakataon mo talaga maiisip kung gaano ka kaswerte at may magagawa ka para sa iba.

    Sagutin
  • 3. makoy  |  Abril 29, 2008 bandang 1:35 hapon

    Makoy’s $50 Contest
    Submission of entries have been extended until April 30, 2008!!!

    Finally, I have formulated the mechanics of my own contest. Here it goes…

    1. Create a review about my blog with a minimum of 200 words using at least two (2) of the following keywords: Makoy, Mark Ferdinand Tayag, lifestyle blog, personal blog, pinoy blogger, Filipino blogger, political views blog, entertainment news, business news and independent life. You may also use your own keyword related to my blog.
    2. You need to put at least two (2) anchor links for those keywords linking to my blog and one link to my Literary Blog site: http://makoysliterarywritings.blogspot.com.
    3. If you’re done with the post, leave a comment to this post so I could get back to you. Make sure to drop your PayPal ID.
    4. After your review to my blog, create a unique slogan for my site. I might include that slogan in my blog header.
    5. Submission of entries will end by April 30, 2008.
    6. Winners will be announced on May 7, 2008.
    7. For the fun part, the best entry would win $50 to be credited directly to the winner’s PayPal account. Aside from the $50, the winner will get one month of free ad spot in my blog.
    8. Three other best entries will get one month of free ad spot in my blog.

    If you are interested in sponsoring my contest, leave a comment on my Contact Me page. I am open to arrangements that can benefit us both. Participants of this contest will be delighted if the jackpot prize will increase and if runners up will receive a cash prize as well.

    I would appreciate it if you could subscribe to my RSS feeds http://feeds.feedburner.com/MakoysMemoirsOfACertifiedBlogger and http://feeds.feedburner.com/MakoysLiteraryWritings.

    Sagutin
  • 4. potatomaniac  |  Abril 30, 2008 bandang 1:31 hapon

    @wei vines- sure 🙂

    @abad- oo, naisip ko kung gano ako kaswete 😦

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Potato Facts

  • 48,804 na ang pumot-pot

ano bang pinasok mo?

unang-una sa lahat..

ang hindi mag-comment..MABABAOG

porn site. explicit and adult content
ewan ko kung mahanap mo yung ni-rereseach mo.. pero malamang hindi. makikita mo lang dito ay puro kalokohan, kabaliwan, kasiyahan, kalungkutan, kasawiaan, ka-etsingan, kabuhayan, kabaryo, kabisyo.. at kung ano-ano pang ka~ name it... meron ako niyan.
magbasa ka na lang at magkomento, para naman maging masaya ang sambayanang pilipino!
di lang komento ang tinatanggap ko.. pati na din pera, de-lata at kung ano-ano pang pwedeng ibigay.. basta ba galing sa puso eh..
la na. korni na. n_n

bulok na patatas

Kalendaryo

Abril 2008
L L T M H B S
« Mar   May »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

affliations ni pot-pot

PindOT-PindOT

  • Wala

%d bloggers like this: