ingat ka ha?

Marso 15, 2008 at 9:56 hapon Mag-iwan ng puna

and now the end is near!

oo.. malapit na matapos ang hayskul layp ko..

kanina, general rehearsal namin, REHEARSAL pa lang yun, tapos mga mukha namin hindi mawari.. nalulungkot na masaya..

nalulungkot kasi, magtatapos na yung pagsasama ng barkada, tropa at mga ibang love teams, masaya kasi we are going to face the reality. Papasok na kami sa kolehiyo, mararanasan na namin maghirap at mawalan ng social life — hala? paano na ako nito?

after ng practice namin, dumeretso na kami sa tom’s world (uyy, plugging) andun na kasi kami sa loob 5 minutes bago mag-open yung Mall. O saya diba? Ang sarap pala ng feeling na kayo kayo lang yung tao sa mall.. Ayun, syempre wala naman kaming dalang malaking pera, pero hindi yung naghinder samin para hindi makapaglaro, hala sige.. Bili ng token kahit wala nang pera.

Syempre namasdan ko ang unti-unti na pagkapal ng tao. At as usual, nakapag observe nanaman ako.

Kung hindi niyo naitatanong eh, medyo mahilig ako mag-obserba ng mga tao. Hindi ko din alam kung bakit. Natutuwa lang ako pagmasdan sila.

May mga iba’t ibang tao kang makikita sa mga Arcade Centers (i.e. Tom’s World, World’s Of Fun, Time Zone at Powerstation etc.)

1. Simpleng Tulisan
– Siguro naman ay nakapunta ka na ng arcade/amusement center? Madalas may machine dun na maghuhulog ka ng token, tapos may chances ka na makakakuha ng sangkatutak na token pag naitulak ng kapirangot mong token ang mga nakausli.
– May mga pumupunta kasi dun na sobrang mauutak, na sa halip na bumili at maghulog sila ng token eh tinutuktok na lang nila ang machine para magkaroon. Mautak na gawain, kaso pag tumunog ang machine at nahuli ka.. Patay! lagot ka na!

2. Mga Hayok sa Top Score
–  Oo, madalas kang makakakita nito lalo na sa BasketBall Hoops. Kasi pag naka 90+ score ka may free game. Madami akong nakikitang ganito. SObrang adik. Consecutive yung pagshoot nung bola dun sa hoops. Nakakatuwa silang panoorin.. Game Face kasi, na tipong kalabitin mo eh magdasal ka na.

3. Mga Napadaan lang at nagaambisyon
– Mga taong dumadaan lang, umupo sa isang racing simulation game o kaya naman time crisis, tapos magmamaneho o hahawakan yung baril, tapos maglalaro kahit yung “Demo screen mode” ang nakalabas. Sila yung mga ayaw bumili ng token at solb na sa pa-ganun ganun lang.

4. ABUSO
– eto ang pinakamatindi, yung mga magnanakaw, na sa sobrang kapal ng tao eh nagnanakaw na sila ng gamit sayo

.::kaya ikaw.. mag ingat ka sa arcade centers ha?

Advertisements

Entry filed under: Uncategorized.

hoy ikaw! kung gusto mo mag-aksaya ng oras.. basahin mo to :)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Potato Facts

  • 48,804 na ang pumot-pot

ano bang pinasok mo?

unang-una sa lahat..

ang hindi mag-comment..MABABAOG

porn site. explicit and adult content
ewan ko kung mahanap mo yung ni-rereseach mo.. pero malamang hindi. makikita mo lang dito ay puro kalokohan, kabaliwan, kasiyahan, kalungkutan, kasawiaan, ka-etsingan, kabuhayan, kabaryo, kabisyo.. at kung ano-ano pang ka~ name it... meron ako niyan.
magbasa ka na lang at magkomento, para naman maging masaya ang sambayanang pilipino!
di lang komento ang tinatanggap ko.. pati na din pera, de-lata at kung ano-ano pang pwedeng ibigay.. basta ba galing sa puso eh..
la na. korni na. n_n

bulok na patatas

Kalendaryo

Marso 2008
L L T M H B S
« Feb   Apr »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

affliations ni pot-pot

PindOT-PindOT

  • Wala

%d bloggers like this: