zombie

Pebrero 25, 2008 at 11:34 umaga Mag-iwan ng puna

in yerr head..in yerr heaaaaad. zombe,  zombe, zombe, eeh, eeh.
-kapitbahay namin.. kumakanta (di ko alam kung anong okasyon meron sa kanila.)

ang jologs cool talaga nitong WP. di ko tayp yung ispeysing.  ow well.

matagal na pala akong hindi nag-update ng WP ko (syet.di naman obyus diba) at unti-unti na itong namamatay. Pero hindi ko hahayaang mamatay ito ng tuluyan. Sayang naman ang efforts entries (as if meron) ko dito. Sobrang naging busy kasi ako nitong mga nakaraang buwan, kaya walang time para makapagbukas nito (sus, kaya ka pala laging online sa YM at naghahanap ng ka-chat)

Madaming nangyari. Tinatamad lang talaga ako magkwento.

*hikab*

inaantok pa ako.. epal naman kasi yung Drum and Lyres na yan. NAKAKAGOLAT kasi! Akala ko kung ano nang meron dito sa subdivision. Kala ko ina-nunsyo na yung nanalo sa botohan ng bagong board of achuchu. Yun pala foundation day lang ng preparatory school na dati kong pinapasukan at nilalabasan. ^__^

“ma, bakit dati.. wala kaming foundation day? ganun ba talaga pag 1st batch of students?”

di man lang ako nakaranas ng ganun ng bata ako. Sabagay nakakahiya nga naman kung mag mamarcha kayo dito sa subdivision tapos ang konti niyo naman.

anyhoo. inannounce na din ang nanalong mga board of (di ko alam ang tawag) dito sa aming subdivision. Good Heavens! buti na lang “landslide” ang nangyari. Napatalsik lahat ang nasa pwesto at napalitan ng “fresh candidates”. Pano ba naman kasi, sobrang kurakot yung mga dating nasa pwesto. Kaya sino ang magaakala na “subdivision” ang kinalalagyan namin, pano naman kasi sa sobrang kakurakutan, yung sa halip na ipangbayad nila sa MERALCO nilalagay ata nila sa kanilang mga bulsa.. kaya naman yun walang bukas na street lights pag gabi. At syempre medyo malapit tong village namin sa squatters area, marami ang mananamantala.. Madaming mag-a-attempt na magnakaw.

Ansarap ng walang pasok. Badtrip nga lang kasi walang pera.haaay buhay estudyante nga naman oh. Pero okay na din siguro. Atleast pahinga lang ng pahinga.

“welcome to the world of reality”
-sabi ng isang kaibigan

pinaguusapan namin that time yung pag-pasok ko sa kolehiyo. Sus, di ko pa nga alam kung san ako papasok eh. Pati yung course na gusto ko wala pang kasiguraduhan, feelingero kasi ako, ang kukunin ko yung hindi bagay sakin.. yung alam kong ibabagsak ko din. ECE at ChE.

ECE, electric and communication engineering, at ChE , Chemical Engineering. Hindi ko din alam kung bakit yang dalawang yan ang pumasok sa utak ko.

pero sa tingin ko eto ang mga rason..

1. Para naman pag tinanong course ko.. masabi nilang,”wow naman, ang tali-talino mo naman”. Kahit alam kong hindi. ^__^

2. Kasi Electiral Engineer at erpat ko, at gusto ko higitan ang mga achievements niya.

“mga” na yang dalawa, kaya pwede na yan!

hala. nawala nanaman mga sasabihin ko. kinausap kasi ako ni ermat eh.

todoink.

yay! pauwi na tatay ko. may bagong selpon nanaman ako!

hooray. grabe.sobrang excited ako. hindi lang halata. (~.~)

Advertisements

Entry filed under: walang kwenta.

unfair much? usapang nettiquette. LOL!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Potato Facts

  • 48,728 na ang pumot-pot

ano bang pinasok mo?

unang-una sa lahat..

ang hindi mag-comment..MABABAOG

porn site. explicit and adult content
ewan ko kung mahanap mo yung ni-rereseach mo.. pero malamang hindi. makikita mo lang dito ay puro kalokohan, kabaliwan, kasiyahan, kalungkutan, kasawiaan, ka-etsingan, kabuhayan, kabaryo, kabisyo.. at kung ano-ano pang ka~ name it... meron ako niyan.
magbasa ka na lang at magkomento, para naman maging masaya ang sambayanang pilipino!
di lang komento ang tinatanggap ko.. pati na din pera, de-lata at kung ano-ano pang pwedeng ibigay.. basta ba galing sa puso eh..
la na. korni na. n_n

bulok na patatas

Kalendaryo

Pebrero 2008
L L T M H B S
« Jan   Mar »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
242526272829  

affliations ni pot-pot

PindOT-PindOT

  • Wala

%d bloggers like this: