early Christmas shopping??

Nobyembre 21, 2007 at 4:38 hapon 1 puna

grabe, it’s almost been a week that I haven’t opened my blog.

Hindi ko alam kung na-miss ko ang blogging..

isang malaking tae.. tae talaga.. wala akong kapera-pera at ngayon medyo namromroblema pa ako kung saan ako kukuha ng pang-Christmas Shopping, lalo’t pa at may inaanak ako ngayon.. alam ko na kahit hindi pa sila marunong maglakad eh, nandyan yung mga nanay nila na lalapit upang hingin ang aginaldo para sa kanilang mumunting anghel, sila daw muna yung tinatawag na “substitute”.

Nagyaya ako ng isa kong kaklase na pumunta sa Divisoria upang makabili ng mga pag regalo sa mga kaklase ko.. it’s the thought that counts,o nga mura ang bilihin don, pero hindi biro ang pagsugod at pakikipagsabayan sa mga tao doon. Lalo na’t papalapit na ang Pasko, marami diyan ang mag e-early Christmas Shopping na, pero what do you expect from divi diba? kahit early ka pa.. masikip pa din.. what more kung sa December pa kaya.Kaya nagiipon muna kami ngayon and hopefully bago mag-end ang november, makapunta kami doon.

At syempre, nandyan din ang exchanging of gifts sa eskwelahan, medyo badtrip nga eh. 150-200 php ang priceng gift na bibilhin, eh balak ko pa naman yung tig-200 talaga kasi parang nakakahiya naman pag yung tig-150 lang.. napakaminimum masyado.

WALA NA AKONG IPOOOOON! pera.pera.pera. San ako kukuha ng pang- Christmas shopping ko? demmet.

bigla pang nag announce kanina na ang bawat row, may ma-a-assign na teacher para bigyan nila ng regalo sa pasko.. at take note, adviser pa namin ang nabunot namin.. actually hindi na yung nabunot kasi yun na lang talaga anh natira since nasa last row kami.

=== side story about sa adviser ==

hindi naman sa naninira ako ng reputasyon ng isang kagalang-galang (kagalang-galang nga ba?) na guro, pero since siya ang first teacher namin sa unang subject na trigonometry. Basta hindi ko rin alam kung bakit.. pero sa isang oras na pagtuturo niya sa harapan (or kung ano mang oras na magturo siya) bigla na lang ako sinisipon at bumabahing. I’m not being mean or whatsoever, pero totoo po ang sinasabi ko. Kaya after ng 1st class namin, makikita mo na lang na may nakalawit na kulangot sa ilong ko.. kasi sobrang bahing ang pinoproduce ng aking katawan. After ng class niya which is from 7-8am.. mawawala na lang ang aking sipon. SWEAR! i’m not kiddin’. Tapos pag yung subject niya ulit na Values 11:30-12 ayan todo *hatchiiiinnnnng* nanaman ako. Siguro dahil na din sa mabantot niyang pabango..

====

ayon. balik tayo sa Christmas Shopping, iniisip ko din kung pwedeng mag St. Francis Square na lang kami or sa Greenhills Shopping Center, kaso baka magkulang talaga ang budget, kaya badtrip talaga.

Nakakaasar talaga pag walang pera. I NEED A JOB.

makapag-apply nga. kahit saan. wag lang magtulak ng droga. ayoko pa makulong.

MGA PWEDE KONG PAG-APPLYAN:

pag sayaw sa mga Bar pwede pa siguro. Ok lang yun, kasi pag ni-raid.. pwede pa naman akong tumakbo, eh medyo may kabilisan naman ako tumakbo.

 taga hugas ng puwet ng presidente o mga artista. malaymo diba? pumayag sila kasi medyo nandidiri sila sa kanilang puwet matapos dumumi. Aba, ok lang sa akin na ako na ang maghugas sa kanila, kaso ang rate ko.. 500. mahal noh? pero afford naman nila, tsaka malambot naman kamay ko di talaga sila magagalusan.

 Katulong. Kaso ang bayad sakin per second. 1php per second.

Artista.  baka gusto niya lang ako kunin? Sinasabi ko sa inyo. I would really make a big name in showbiz industry, pwede akong pumalit kena bangkay. lol. pero seriously. talented talaga ako.

Taga-laba. I know di pa ako sanay, pero pwede na din kasi desperado talaga ako!

anak ng pating nga naman oh.. Eh kung daanin ko na lang sila sa mga palusot ko?

Para sa mga magulang ng inaanak. “Hindi niyo ba napankinggan ang pari noong binibinyagan niya ang anak niyo? Na ang mga ninong daw ay tumatayong pangalawang ama. HINDI DAW KAILANGAN NG MATERYAL NA BAGAY TUWING PASKO O KAARAWAN NG INAANAK, bagkus dapat nila alagaan, parangalan at gabayan ang kanilang mga inaanak.”  –oha! panalo diba?

Para sa mga ka-Relasyon. “uhh.. pagpasenyahan mo na to, medyo madami kasi akong inaanak, tsaka diba sabi mo mag-ipon na tayo para sa darating nating kasal.”  –panalo ulit. ginamit mo pa ang batalyon mong inaanak!

wala akong maisip para sa mga kaibigan. kasi masyado silang espesyal sakin.

kanya-kanya lang namang diskarte yan. Nasa iyo kung gusto mo magbigay ng regalo o hindi. Sabi nga nila Ang Pasko ay hindi tungkol sa pagbibigayan ng regalo o pagtanggap nito, kundi ang pag alala ng kapanganakan ni Hesu Kristo. At kung mamimigay ka ng regalo siguraduhin mo na hindi ito labag sa iyong kalooban, para masaya ang lahat diba?

Advance Merry Christmas to all! 😀

Advertisements

Entry filed under: jologs, seryoso, tru to layp.

blag lib taking responsibilities

1 Puna Add your own

  • 1. rakatak  |  Nobyembre 29, 2007 bandang 11:43 umaga

    naks ako din. nahihirapan na ako mag-isip.

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Potato Facts

  • 48,701 na ang pumot-pot

ano bang pinasok mo?

unang-una sa lahat..

ang hindi mag-comment..MABABAOG

porn site. explicit and adult content
ewan ko kung mahanap mo yung ni-rereseach mo.. pero malamang hindi. makikita mo lang dito ay puro kalokohan, kabaliwan, kasiyahan, kalungkutan, kasawiaan, ka-etsingan, kabuhayan, kabaryo, kabisyo.. at kung ano-ano pang ka~ name it... meron ako niyan.
magbasa ka na lang at magkomento, para naman maging masaya ang sambayanang pilipino!
di lang komento ang tinatanggap ko.. pati na din pera, de-lata at kung ano-ano pang pwedeng ibigay.. basta ba galing sa puso eh..
la na. korni na. n_n

bulok na patatas

Kalendaryo

Nobyembre 2007
L L T M H B S
« Oct   Dec »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

affliations ni pot-pot

PindOT-PindOT

  • Wala

%d bloggers like this: