usapang di-yar-yo (dyaryo)

Nobyembre 4, 2007 at 12:03 hapon 7 mga puna

Pagkababa ko kanina, nakita ko na ang  sunday newspaper. Kaya naman umupo agad ako sa sofa upag buksan ang isang makapal na periodiko. Gusto ko kasi, ako ang unang humahawak ng diyaryo sa bahay..

Pot-Pot: Sakin muna dadaan ang diyaryo bago niyo pakialaman. Maliwanag ba?

Mga kasambahay: Opo ser!

-joke lang yang script na iyan.

minsan kasi, nadadatnan ko na lang ang diyaryo na nakatiwang-wang matapos nila basahin. Eh pag nakikita ko pa naman na ganon ang ayos ng diyaro tinatamad na ako basahin nito.

Ihalintulad na lang natin ang Dyaryo sa mga ibon na nakakulong sa isang Hawla.. Na pag binuksan mo  ito, biglang magliliparan ito upang makalaya, tulad ng isang diyaryo pag bukas mo ng bawat pahina nito, ang mga impormasyon na nakasulat doon ay lalaya din papunta sa iyong utak(teka parang malabo yun)  pasensya na.

Nagparasyon kami ng diyaryo, pero tuwing Sunday lang.. Hindi ko din alam kung bakit Sunday lang, pero sakin ito lang talaga ang Diyaryo na kailangan ko dahil may news reporting kami tuwing lunes. At tsaka para tipid na din. At ang dyaryo namin, Manila Bulletin Nation’s leading Newspaper. Wala lang ang bango kasi ng bawat pahina nito ang sarap hithitin, di tulad ng Inquirer na hilong hilo ako sa baho ng pahina nila.

PABORITONG BABASAHING MGA BAHAGI NG ISANG PERODIKO.

Sa totoo lang, ang habol ko lang sa diyaryo yung Komiks, Showbiz, Travel and Tourism at Gadgets Page(di ko alam tawag). Pakialam ko ba sa headline ng Diyaryo?

Kanina tumambulat sa mukha ko na..“More education funds in new budget.” -headline

hindi ko na binasa. nagbigay na lang ako ng konklusyon ko. Pano ba naman, kagi namang ganun diba? Eh anong nakikita mo sa isang publikong paaralan. Lintek na facilities, kung hindi nangangamoy ang banyo, sira sira ang upuan, basag basag ang bubog ng bintana. May nakakalat na tae, baradong toilet at punit punit na libro.

Ewan ko kung mapupunta ba talaga yan sa Edukasyon. Letse, bahala nga sila. Kaya ayoko ng nagbabasa ng about sa bansa eh, masyado kong dinidibdib.

dun na lang tayo sa lubos kong ikinagagalak.

komiks. oo, natutuwa ako sa mga karakter na to sa loob ng box. Lalo na pag korni yung joke, galak na galak ako sa kakatawa, siguro dun ko rin nakukuha yung mga banat ko na korni paero malupet. Na-aamaze lang din kasi ako, nakukuha nilang bigyan ng buhay ang mga tao sa loob ng maliit na espasyo doon, kasi ako tuwing nagdodrowing ng komiks, nagmumukha lang siyang letter na nilagay sa ibat ibang box. hindi ko kasi mapagkasya yung mga words dun sa cloud/balloon.

Showbiz. hindi ko alam kung bakit ako nagbabasa nito, hindi naman kasi talaga ako mahilig manood ng TV. Pero sa tuwing may nababasa akong bangayan ngmga artista, isa lang ang nasa isip ko. SHOW! basta, kahit anong nangyayari sa buhay nila, feeling ko scripted na din. Ewan ko. Ginagawa ko lang libangan yun pag wala na talaga akong mabasa.

 Travel and Tourism. Gusto ko mag around the world (tsaka na pag mayaman na ako) Gusto ko masubukan lahat ng pwedeng subukan sa buhay, hindi yung pagkain ng apoy o ng tae ha?!  Tuwing nakikita ko tong mga featured places na ‘to, tapos nagagandahan ako. Sobrang hindi ako makakatulog kakaisip sa lugar na iyon, Gusto ko talagang puntahan. Kung may chance nga lang ako na gayahin sina Steve at Blue na pumasok sa isang litrato, gagawin ko yun.

Classified Ads. Naghahanap ako ng pwedeng pagtabahuhan.Kelangan ng pera eh. Pwede kaya ako magtrabaho sa isang bar? o kaya naman katulong lang for one week. Wala kasi akong pang gastos ngayon. At sobrang namamatay na ako sa kabagutan dito sa bahay.

Techie/Techno Geek Pages. Eto naman yung page na makakakita ka ng sangkatutak na Gadgets. Eto ang lagi kong hinahanap sa diyaryo kung meron o wala, kasi may pagka Geek ako (medyo lang.. kasi COOL ako!) pagdating sa gadgets, kaya pag ako yumaman, bibili ako ng pagkadami daming gadgets!

====

side story:  May nabasa ako kanina sa page na yun. May isang pilipinong nag-imbento ng Coffin na may LCD screen na internet capable. Nakalagay yung screen dun sa may pang cover pat ng coffin. Inimbento daw yun para dun sa may mga kamag-anak sa abroad, in case na hindi sila makakauwi, may chance pa din sila makita ang kanilang mahal sa buhay kahit sa internet lang. di ko alam kung stupid o may magandang maidudulot to.  Basta sakin, mas maganda pa din na nadun sa ka sa mismong burol.

===

tutal nasa usapang “kabaong” nanaman tayo… hindi  mawawala sa isang diyaro ang…

OBITUARY. yes. peyborit ko to since nung Grade 6 pa. Kasi nung pinagdala kami nun ng Diyaryo, tinanong ang bawat isa sa amin kung ano daw ang favorite part namin sa isang diyaryo. eh lahat sila nun ang sinasabi komiks, entertainment, classified ads.. Eh syempre gusto ko unique ako.. kaya naman nung turn ko na, sinabi ko “Obituary”. Nagtawanan sila. Ako hindi, kasi seryoso talaga ako nung time na yun. Unique kasi ako, ayoko ng may kagayang sagot.

for example may exam, tapos hindi ko alam ang sagot gumagawa ako ng sarili ko.

1. Sa kwentong ********* sino ang (description)? then name ng kaklase ko isasagot ko.

well anyway, dahil dun sa sagot kong Obituary noon, naging hobby ko na nga ang pagbabasa nito. Hindi ko alam kung bakit, basta binabasa ko yung verses tapos name ng kamag-anak nila tapos kung kelan namatay.

O ikaw? Anong parte ng diyaryo ang nais mo basahin?

==di ko pa tlaga to i-eend. kaso nagagalit na nanay ko. Badtrip simula nung  nagsalita ynug tito ko, nagiba pakitngo nila sakin

Advertisements

Entry filed under: seryoso, sharing, walang kwenta.

home alone sembreak end post

7 mga puna Add your own

  • 1. niessuh  |  Nobyembre 4, 2007 bandang 5:14 hapon

    thanks for the link in your blogroll. i’ll just add you in mine after posting this comment.

    Sagutin
  • 2. sara reyes  |  Enero 9, 2008 bandang 9:13 hapon

    ang ganda grabe lalo na sa part ng haedline sana makilala kita kasi ang galing kwla pa ung mga words !!! pwede ka nang maging AUTHOR o di ba sosyal!! para malupet at sumikat pa ang cnulat mong malupet

    Sagutin
  • 3. jerald  |  Enero 28, 2009 bandang 2:44 hapon

    hay salamat

    Sagutin
  • 4. paula  |  Pebrero 25, 2009 bandang 2:25 hapon

    bkit mababaog,anung koneksyon non

    Sagutin
  • 5. kolokoy  |  Hulyo 26, 2009 bandang 10:28 umaga

    ganda lalo na ung sa obituary pero d sinabi kung ano ung meaning!!!!!!=))

    Sagutin
  • 6. camille  |  Agosto 19, 2009 bandang 12:50 hapon

    bat ganun…….

    Sagutin
  • 7. liiebx  |  Agosto 21, 2009 bandang 7:45 hapon

    kagilas.
    mai ka style ka magsulat.^_^

    mganda.

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Potato Facts

  • 48,701 na ang pumot-pot

ano bang pinasok mo?

unang-una sa lahat..

ang hindi mag-comment..MABABAOG

porn site. explicit and adult content
ewan ko kung mahanap mo yung ni-rereseach mo.. pero malamang hindi. makikita mo lang dito ay puro kalokohan, kabaliwan, kasiyahan, kalungkutan, kasawiaan, ka-etsingan, kabuhayan, kabaryo, kabisyo.. at kung ano-ano pang ka~ name it... meron ako niyan.
magbasa ka na lang at magkomento, para naman maging masaya ang sambayanang pilipino!
di lang komento ang tinatanggap ko.. pati na din pera, de-lata at kung ano-ano pang pwedeng ibigay.. basta ba galing sa puso eh..
la na. korni na. n_n

bulok na patatas

Kalendaryo

Nobyembre 2007
L L T M H B S
« Oct   Dec »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

affliations ni pot-pot

PindOT-PindOT

  • Wala

%d bloggers like this: