home alone

Nobyembre 3, 2007 at 12:32 hapon 5 mga puna

**wolf howls**

demmet, i’m all alone.. And i’m keeping myself busy, nakakatakot kasi pag tahimik tapos wala kang ginagawa parang may kung anong “evil entities” ang gumagala at pakalat-kalat sa bahay, kaya naman pag may kinalampag na kaldero ang pusa eh, bigla na lang ako napapatalon sa gulat.

November three pa naman. kakatapos lang ng undas at pakiramdam ko gumagala pa din ang mga “lost souls” -i’m such a retard for believing in those kind of things.

Nasa Luneta sina mama (sina means the whole relative sa mom’s side) syempre ako dapat sasama talaga kasi, gusto kong kumuha ng MADAMING MADAMING MADAMING MADAMING litrato.

sa kagandahang palad, buti walang laman ang lithuim battery ng digicam ko para maging dahilan ng hindi ko pagsama. Nawala kasi talaga yung hyper-ness ko na sumama dahil dun sa tito ko.

Medyo nainis pa nanay ko sakin dahil nga sa hindi ako sasama. Nakalimutan ko yung dinahilan ko, per effective.. yun nga lang, walang kamatayang pagpaparinig sakin ang nangyari.

buti na lang at madaming pwedeng gawin ngayon. Yung iba wala sa plano ko, pero ginawa ko pa din, para may pagkaabalahan.

Ang paglalaba. Hindi talaga ako naglalaba noon, nung last week lang talaga ako natuto. Nahiya kasi ako magpalaba sa nanay ko nun ng pantalon at damit ko na puno ng putik, kaya naman nagpaturo ako. May future daw ako dito (tae, balak pa ata akong gawing labandero)  kasi konting kusot ko lang daw natatangal na yung dumi. Naks binilog lang ata ako ng nanay ko para pagigihan ko pa ang aking laundry skills. Badtrip. Pero ayus lang.. at least marunong na ako maglaba ng damit ko. **applause**

Ang Paggawa ng Multiply Layouts. Oo, busy ako dyan. Nagsimula ng ginawan ko ang isa kong kaibigan ng layout, madami ang nagustuhan.. **BOOOOM** ang daming nag personal message sakin about ‘dun at nagrerequest na gawan ko sila ng theme. Kaya eto ako ngayon tambak ang gagawing layouts.

“ang bait mo, why are you doing this for free?” -sabi ng isang nagrequest

sabagay may point siya, pwede ko nga naman pagkakitaan yun diba? Pero no, ayoko humingi ng anumang kapalit. God gave me this talent for free (if ever na may future nga ako sa photoshop) at kailangan ko din ibigay ang libreng service ko sa mga nagrerequest and besides, yun na din ang pinaka training and practice ko para sobra akong mag-improve.

 Paglinis ng bahay. eto hindi ko pa nasisimulan, kasi wala natalaga akong lilinisin maliban sa bubong namin.

Manood ng sangkatutak ng Vlogs. Pero mabagal ang broadband namin ngayon kaya nawala tong urge kong manood.

Makinig ng limpak limpak na kanta. Ginagawa ko ngayon. Senti lahat ng kanta. Sa sobrang senti napapa-break dance ako!

asar naman NowPlaying: The Longest Story – Daphne loves Derby

try niyo lang pakinggan, ewan ko kung magugustuhan niyo. Pero ako gusto ko siya, soothing na parang nakakaiyak. Basta ang wierd. Pero bitin yung ending.

====

nagsisimula nanaman gumana ang topak ko.. gusto ko magpaka-kulit ngayon pero wala akong mapagtripan.

====

kanina nga palang umaga, kumuha ako ng donut sa Ref. (di ko na kasi kinaya gutom ko) hindi ako pinapansin ng mga pinsan ko sa mom’s side (puro lalaki lang naman pinsan ko dun) hindi ko alam kung bakit, kaya pagka kuha ko ng donut, tumakbo agad ako sa room ko. Nagisip at umiyak. Naiinis lang kasi talaga ako. Bakit ganun na lang bigla pakikitungo nila sakin?

I hope that everything will be fine. 😥

Advertisements

Entry filed under: seryoso, sharing, tru to layp, walang kwenta.

malungkot. kaya walang maisulat na matino usapang di-yar-yo (dyaryo)

5 mga puna Add your own

  • 1. jaiskizzy  |  Nobyembre 3, 2007 bandang 10:52 hapon

    gawa mo rin ako ng multiply theme! joke.

    1: di ako naniniwala sa multo

    2: madalas din na walang pumapansin sa kin. ok lang.

    Sagutin
  • 2. potatomaniac  |  Nobyembre 3, 2007 bandang 10:58 hapon

    @ jai – weee. salamat sa pagdaan 😀

    Sagutin
  • 3. kengkay  |  Nobyembre 5, 2007 bandang 9:12 hapon

    home alone ka pa rin? walang multo kundi taong matatakutin lang… pero meron talagang multo e, waaahhhh

    Sagutin
  • 4. obi gyne  |  Nobyembre 6, 2007 bandang 6:33 hapon

    hindi ako pakitain ng multo. me tao ata talagang ganun. kaya hindi ako matatakutin. hehe. perks. ano ayaw mo sa halo halo?

    Sagutin
  • 5. obi gyne  |  Nobyembre 6, 2007 bandang 6:34 hapon

    hindi ako pakitain ng multo. me tao ata talagang ganun. kaya hindi ako matatakutin. hehe. perks. ano ayaw mo sa halo halo?

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Potato Facts

  • 48,701 na ang pumot-pot

ano bang pinasok mo?

unang-una sa lahat..

ang hindi mag-comment..MABABAOG

porn site. explicit and adult content
ewan ko kung mahanap mo yung ni-rereseach mo.. pero malamang hindi. makikita mo lang dito ay puro kalokohan, kabaliwan, kasiyahan, kalungkutan, kasawiaan, ka-etsingan, kabuhayan, kabaryo, kabisyo.. at kung ano-ano pang ka~ name it... meron ako niyan.
magbasa ka na lang at magkomento, para naman maging masaya ang sambayanang pilipino!
di lang komento ang tinatanggap ko.. pati na din pera, de-lata at kung ano-ano pang pwedeng ibigay.. basta ba galing sa puso eh..
la na. korni na. n_n

bulok na patatas

Kalendaryo

Nobyembre 2007
L L T M H B S
« Oct   Dec »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

affliations ni pot-pot

PindOT-PindOT

  • Wala

%d bloggers like this: