malungkot. kaya walang maisulat na matino

Nobyembre 2, 2007 at 7:00 hapon 5 mga puna

parang halo-halo ang buhay ko ngayong mga nakaraang araw. Kung sa ispageti eh, kumpleto rekado.. Pero parang mas madami yung mga “rejects” kung ikukumpara sa isang bakeshop. Katulad ng rejects, hindi maganda ang kinalabasan nito.

Gusto ko lang mag-post ngayon para ilabas lahat ng nasa loob ko, kasi wala talaga akong mapagsabihan ngayon..

BGM: When the Last Teardrop Falls – Blaque

 Hapunan na namin, kumakain sila ngayon.. Ako hindi, ayokong sumabay ngayon. Nandun kasi yung mga pinsans ko at mga titos and titas. Bukas pa ata ang uwi nila.

Bakit nga ba ako  hindi sumabay? Kasi kanina yung isa kong tito, nagtatong kung meron daw ba sa lahi naming “aru………” nakalimutan ko yung term na ginamit niya, kaya tinanong ko kung ano yun. Sabi nila Bayot, Bakla. Sabi ni mama, wala. Ehdi sinabi ng isa kong tito, wag daw kasi ako ganon magsalita at kumilos.

PUNYET*, eh ano bang magagawa nila? Eh simula ng pinanganak ako, wala akong tatay na kasama, nasa abroad.. At sino mga nakapaligid sakin? Puro babae, pati mga pinsan ko na malapit samin babae, kaya in a way, nakuha ko na siguro ang ibang kilos, galaw at ang malumanay na pagsasalita nila. What do they expect? Buti kung lumaki ako na may gabay ng tatay ko diba?

Nainis lang talaga ako. Ayoko na, bahala na sila, kung  iyon ang tingin nila sakin, may magagawa pa ba ako?  Basta pag ako yumaman talaga, ewan ko na lang.

Eh bat ko ba ito iniiyakan? Hindi ko din alam.

Pangalawa, Wala talaga akong makausap ngayon. Wala akong mapagsabihan ng problema. Feeling ko nagiisa ako.

Pangatlo,  Since lumipat nga ako ng eskwelahan ngayong 4th year HS na ako, hindi ko pa din makalimutan ang mga naiwan ko dun na kaibigan. Kanina nakita ko ang mgsa litrato nila nung sila ay nagkaroon ng Educational Tour, sobrang tinamaan ako ng inggit. Nakita ko silang masaya, nagkakatuwaan at dinadama ang bawat sandali na magkakasama sila. Ako, napaluha ako, sobrang miss ko na kasi sila. SOBRA! SOBRA! SOBRA!

gusto ko marinig ang tawa nila, ang kwento nila. LAHAT!

alam ko katiting pa lang yan, pero nabibigatan ako. syemay.

-ngayon wala pa din akong makausap. gusto ko ilabas sa isang tao ang nararamdaman ko.

OO NA CRY BABY NA AKO. :((

 

Advertisements

Entry filed under: seryoso, walang kwenta.

naiyak ako dito home alone

5 mga puna Add your own

  • 1. copykat  |  Nobyembre 2, 2007 bandang 7:09 hapon

    aww.. ok lang umiyak dude. hehe. self-confessed crybaby din ako.. hehe.

    alam mo, hindi mo dapat iniisip kung anong tingin sa yo ng ibang tao. You are God’s child and that’s what matters. Find your identity in Him. 🙂

    at tungkol sa mga namimiss mo sa TU..

    buti nga.. bakit kasi kailangang lumipat ng school. hahaha joke. *sorry, seryosong post yata to*

    well ayun lang, just be happy where you are right now dahil may purpose kung bakit ka nanjan. 🙂

    Sagutin
  • 2. toni  |  Nobyembre 3, 2007 bandang 6:22 umaga

    wag mo masamain nasabi sau ng tito mo, concern lang cguro cla lalo at alam nila na bihira nga lang kayo magkasama ng tatay mo. minsan talaga masama ang dating ng ibang puna sa atin pero kung tutuusin ang mga un eh pagmamalasakit.

    Sagutin
  • 3. potatomaniac  |  Nobyembre 3, 2007 bandang 12:35 hapon

    @ toni – but from the way he spoke, I can tell that he isn’t concern.
    I can see from his eyes that he’s mad, irritated or whatsoever.

    @ copykat – ate katrina.. naiinis lang talaga ako. Kasi dapat he put his self in my shoes before saying those things that hurted my feelings 😦 sobran naquestion kasi pagkatao ko. 😦 –hindi to seryosong post. 😀 don’t worry 😀 thanks po.

    Sagutin
  • 4. jal  |  Nobyembre 4, 2007 bandang 4:34 hapon

    hoy. ang corny mo! batukan kita diyan eh! samin ka na lang! mas appreciated ka pa here in TU. [ang arte ko] geh.. mishoo

    Sagutin
  • 5. potatomaniac  |  Nobyembre 4, 2007 bandang 4:47 hapon

    @ jal – waw natuklasan mo na din pala blog ko 😀 appreciated? waahahaha tlga? sige lipat na ko 😛

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Potato Facts

  • 48,701 na ang pumot-pot

ano bang pinasok mo?

unang-una sa lahat..

ang hindi mag-comment..MABABAOG

porn site. explicit and adult content
ewan ko kung mahanap mo yung ni-rereseach mo.. pero malamang hindi. makikita mo lang dito ay puro kalokohan, kabaliwan, kasiyahan, kalungkutan, kasawiaan, ka-etsingan, kabuhayan, kabaryo, kabisyo.. at kung ano-ano pang ka~ name it... meron ako niyan.
magbasa ka na lang at magkomento, para naman maging masaya ang sambayanang pilipino!
di lang komento ang tinatanggap ko.. pati na din pera, de-lata at kung ano-ano pang pwedeng ibigay.. basta ba galing sa puso eh..
la na. korni na. n_n

bulok na patatas

Kalendaryo

Nobyembre 2007
L L T M H B S
« Oct   Dec »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

affliations ni pot-pot

PindOT-PindOT

  • Wala

%d bloggers like this: