ang daming BLESSINGS!

Oktubre 30, 2007 at 9:18 umaga 2 mga puna

Until now, may hangover pa din ako sa Metrocon. SOBRANG HANGOVER!

“So I stand with arms high and heart abandoned. In awe of the One who gave it all.

I stand my soul Lord to you surrendered. All I have is Yours.”

-The Stand, Hillsong United

24 hours na akong nakikinig ng kanta ng Hillsongs simula kahapon. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit pa-ulit ulit talaga eh ,walang epek.. kinikilabutan lang talaga ako!

“There’s no escaping the Truth, There’s no mistaking it’s You.

God forever, we’ll get up and dance, get up and dance and praise You! “

-Break Free, Hillsong United

Speaking of Hillsong, kelan kaya ulit sila pupunta dito sa ‘pinas? Kasi nung pumunta sila dito, hindi akonakapanood. Sabi nung isa kong Brad., iba daw ang pakiramdam pag sila na yung le-lead ng worship. Kinikilabutan daw talaga sila. Kaya ako naintriga naman dun.

Kaya naman pinanood ako ang isang video ng Hillsong United. Yung concert nila. Ang song dun Break Free. Believe me guys, nagtindigan ang aking mga balahibo! Hindi ko alam kung bakit.

Gusto ko talaga sila makita sa personal kung pano maglead ng praisefest. Kung kinakailangan ng 1,000,000 na signatures para pumunta sila, go lang ako.

===

nako. nababaliw na talaga ako. Adik na ata ako. Adik kay Kristo. Ang sarap magbigay ng service sa kanya!

===
“Ang pagmamahal ni Kristo parang putik, kahit anong iwas ang gawin mo, kakapit at kakapit pa din yan sa’yo. Tulad ni Kristo, kahit talikuran mo siya, kalimutan, hinding hindi ka niya Tatalikuran. Patuloy ka lang niyang gagabayan.”

-Metrocon, OUTLOUD!

kahapon, tumawag yung isang YFC, eh busy ako nun, naglalaba ako ng damit ko na sobrang dumi, yung mga ginamit ko nun Metrocon, maputik kasi eh, nahihiya naman ako na ipalaba sa nanay ko. Pintawag ko suya mga 5:30 p.m.

tinanong niya kung gusto ko sumali sa YCOM, isa pang sangay ng YFC madami kasing branches yun, may Campus Based, High School Based, SIGA at kung ano-ano pa.

YCOM-WIRED. Sila yung mga namamahala sa pagkuha ng litrato, paggawa ng mga articles, pagcapture ng mga video ng mga events ng YFC. Lahat ng sangay ng YFC ay umaasa dito, sa pag-gawa ng Tarps, mga Lightings, Pagsaayaw, Pagkanta. At kung ano-ano pa. Sila din yung nakikipag-communicate sa ibang mga YFC tuwing may kinakailangan.

kaya ayun nga, tinawagan ako kung gusto ko daw sumali. Nung una medyo naghehesitate pa ako, kasi konti lang ang alam ko pagdating sa Photoshop. Pero wag daw ako mag-alala i-tra-train naman daw kami. atsaka may potential/hilig kasi ako sa computer kaya tinatanong ako kung gusto ko.

I said yes. Blessing yun ni God. Bakit ko pa tatanggihan diba? At may purpose si God kung bakit niya ako pinasali ng YCom. Kung ano man yun, hindi ko alam.

May nagsabi sakin, kahapon lang din na. “Wow, ikaw pa ang tinawagan” sabi ko, bakit naman?. Madami daw pala(ewan ko kung totoo) ang gusto sumali sa Ycom, at kung saan saan pa pumupunta para makasali, pero ako tinawagan pa daw.

Wala akong nasabi, speechless ako. May purpose talaga si God. Natuwa ako, kasi isa ako sa binigyan niya ng isang malaking responsibilidad.

Kaya ako, gagawin ko lahat ng makakaya ko para ibigay lahat ng talento ko sa kanya.
At ikaw na din!

Praise God!

Advertisements

Entry filed under: seryoso, tru to layp.

live OUTLOUD. YFC 6th Metro Manila Conference sharing 101: random thoughts..

2 mga puna Add your own

  • 1. iPOB  |  Oktubre 30, 2007 bandang 7:33 hapon

    ahahaha.. ngayon lang ako nadaan dito. ayus ung tagline sa taas ah.

    Sagutin
  • 2. potatomaniac  |  Nobyembre 3, 2007 bandang 12:36 hapon

    @ iPOB – ahaha. daan ka ulit 😀 tapos tambay ka na din

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Potato Facts

  • 48,728 na ang pumot-pot

ano bang pinasok mo?

unang-una sa lahat..

ang hindi mag-comment..MABABAOG

porn site. explicit and adult content
ewan ko kung mahanap mo yung ni-rereseach mo.. pero malamang hindi. makikita mo lang dito ay puro kalokohan, kabaliwan, kasiyahan, kalungkutan, kasawiaan, ka-etsingan, kabuhayan, kabaryo, kabisyo.. at kung ano-ano pang ka~ name it... meron ako niyan.
magbasa ka na lang at magkomento, para naman maging masaya ang sambayanang pilipino!
di lang komento ang tinatanggap ko.. pati na din pera, de-lata at kung ano-ano pang pwedeng ibigay.. basta ba galing sa puso eh..
la na. korni na. n_n

bulok na patatas

Kalendaryo

Oktubre 2007
L L T M H B S
    Nov »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

affliations ni pot-pot

PindOT-PindOT

  • Wala

%d bloggers like this: