Champion ako (naks ang yabang).

Oktubre 25, 2007 at 6:12 hapon 4 mga puna

 Oha, oha! nakikita mo ba yan? Oo, champion ako, este kami pala ng partner ko. Ang saya,  may pangdagdag na naman ako sa aking koleksyon ng mga medalya, ribbons at ceripikeyts.

Kanina lang ginanap iyong awardings sa Intramurals, nung kalagitnaan ng Bingo Bonanza. Oo, nagkaroon ng Bingo-han sa aming eskwelahan, proyekto iyon ng SBO(student body organization) upang magkaroon ng pondo.

Sa totoo lang ayoko ng larong BINGO!

-pot pot

 

opo seryoso yan, ayoko talaga ng naglalaro ako niyang tinatawag nilang Bingo na yan, pakiramdam ko ay nauubos lang ang oras ko sa kakatingin sa mga numerong iyan.

 

Napilitan lang naman kasi talaga akong bumili ng Cards(tatlo yan, isa lang kinunan ko) kasi, cumpolsary yan, sa tagalog sapilitan. Kaya naman ang nanay ko ang pinapunta ko sa school upang maglaro, para na din makita niya ang iba niyang mga kaibigan. Ako? Syempre sumama din. Kelangan ng Litrato eh, event yun. Balak ko kasi sumali sa school paper. Pangdagdag sa ECA(wow, naging konsyus ako sa greyd)..At tsaka para makita ko na din ang aking mga prendly prends

 

 Pero, nasayang lang ata ang pagpunta ng aking ina, wala kasi siyang napanalunan. Ok lang.

Kung tutuusin eh, wala naman talagang kwenta yung prizes. At kayang kayang bilhin yun ni mama (naks, yabang) -biro lang

 

 

 

 

 Kanina pala, nagkaroon kami ng General Assembly sa YFC.

 Ang saya grabe.  Ang kulit ng activities namin. Syempre, we should start everthing with a Prayer. Kagabi pa sinabi sakin ng aking mga HPV (naks, inangkin ko) na ako daw ang maglelead ng worship. Opening Worship ika nga, kaya naman ako, sinabi ko nung gabi na sige ok lang. Bawal kasi ang “KJ” sa YFC. At tsaka moment ko na yun. Bihira lang ma-utusan mag-ganon. Kaya naman kanina, sobrang nawala ako sa concentration. Everything’s messed up! Nahiya talaga ako nun.

 

Ang ganda nung talk nung speaker.

 

Kung nakikita mo yang picture na yan (featuring Aubrey and Edgar.) ang tawag po sa larong yan ay “On The Floor”. Ang kulit ng larong yan. Patibayang ng katawan at Palakasan ng utak at abilidad.

 

Mechanics ng laro:

1. Kailangan ng newspaper. 2 players per dyaryo.

2. Kailangan kung ano ang sinabing parts ng katawan ng game master, yun lang ang makikita niya na nakasayad sa paper, at walang matitirang parts ng katawan sa labas ng draryo.

 

for example:

Game Master: I want to see on the floor, 3 hands, 2 foot, 3 fingers and an elbow.

 

3. After counting 5 seconds, lilibot ang GM para i-check ang bawat isa. And ang mga magawa ng tama ang pinapagawa will be qualified for the next round.

4. Every Round mas lumiliit ang paper.

 

so ayan lang muna ang kwento ko. Medyo masakit pa ang ulo ko eh. Malala pa din kasi sipon ko.

salamat sa pagbasa(kung meron mang nagbasa) at God Bless na din.

 

 

Advertisements

Entry filed under: sharing, tru to layp, walang kwenta.

sharing 101:Student’s Day DSL ng Digitel VS. Smart BROadband (labanan ng EQ)

4 mga puna Add your own

  • 1. cAtE  |  Oktubre 25, 2007 bandang 6:22 hapon

    yipee! hurray! im the first one to read this entry!!!
    hehehe”, well nwei. .
    my sipon kah pah rin? Get well soon!

    uso nah tlga ang bingo sa lahat ng skul. . esp sa parents!
    pati nga principal nmin nun na pari eh nakiki join! hahaha”,

    ur very spiritual pla potpot. . hahah di obvious! kulit kulit ksi!

    Sagutin
  • 2. potatomaniac  |  Oktubre 25, 2007 bandang 7:34 hapon

    @cate-ahehe.salamat sa pagbasa. yeah, sana gumaling na ako

    Sagutin
  • 3. kengkay  |  Oktubre 26, 2007 bandang 6:14 umaga

    congrats. alam ko ang aking pamangkin e nananalo din daw sa badminton, hmm, pero high school pa lang yon e. baka magka-ibang division kayo.. salamat dun sa ibang paraan ng paglalaro ng newspaper 😀 turuan ko nga mga taga oyropa nyan, hehe. get well..

    Sagutin
  • 4. potatomaniac  |  Oktubre 26, 2007 bandang 7:34 umaga

    @ kengkay – ahehe. Hayskul lang din po ako. Medal ko po yan na napanalunan ko sa nakaraang Intrams ng aming is-kool

    ahehe, sige po.. laro po kayo niyang On The Floor. Mas maganda kung mas komplikado gagawin. Tulad ng dalawang dila at tatlong mata 😆

    opo,sana gumaling na ako. Ayoko po talaga ng sipon eh >.<

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Potato Facts

  • 48,701 na ang pumot-pot

ano bang pinasok mo?

unang-una sa lahat..

ang hindi mag-comment..MABABAOG

porn site. explicit and adult content
ewan ko kung mahanap mo yung ni-rereseach mo.. pero malamang hindi. makikita mo lang dito ay puro kalokohan, kabaliwan, kasiyahan, kalungkutan, kasawiaan, ka-etsingan, kabuhayan, kabaryo, kabisyo.. at kung ano-ano pang ka~ name it... meron ako niyan.
magbasa ka na lang at magkomento, para naman maging masaya ang sambayanang pilipino!
di lang komento ang tinatanggap ko.. pati na din pera, de-lata at kung ano-ano pang pwedeng ibigay.. basta ba galing sa puso eh..
la na. korni na. n_n

bulok na patatas

Kalendaryo

Oktubre 2007
L L T M H B S
    Nov »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

affliations ni pot-pot

PindOT-PindOT

  • Wala

%d bloggers like this: