sharing 101:Student’s Day

Oktubre 24, 2007 at 3:10 hapon 2 mga puna

ang araw na akala ko ay boring, mali, hindi pala.

Student’s Day kanina, nung umaga medyo badtrip kasi malakas ang ulan, sobrang lakas. Nakakatamad kumilos, sabi ko sa sarili ko na dapat hindi na lang pala ako pumasok, sana nasa bahay na lang ako, tulog o kaya naman nasa harap ng Chompyuter habang umiinom na mainit na Milo at nakabalot sa isang comforter.

May karamihan ang dumating, konti lang ang booth.

 una, ang Jail Booth.  Ang booth namin. Medyo kinakabahan ako nung papasok ako, kasi 50php lang talaga dinala ko, ayoko kasi talagang gumastos. Kaya naisip ko na lang na mag-volunteer na manghuhuli, asar, basta fourth year pala hindi huhulihin, badtrip tuloy, nagta-ta-takbo ako doon, habol dito habol doon. Ang hirap humuli ng mga baboy, butiki, ahas, kabayo, palaka, urangutan at daga. Sobrang hirap tlaga, pahirapan sa pagdala sa loob ng kulungan. Ewan ko ba feeling siguro ng mga hinatak ko eh artista sila. Feel na Feel ang bawat steps. May Tili epek pa, sakit sa tenga, tanggal lahat ng tutuli ko, May Sayaw epek, oo yung magalaw habang hawak mo, mahirap ang ganon, lalo na kung pababa kayo ng stairs, dahil hawak mo kasi ang nahuli, para kang mahuhulog sa hagdan. At yung iba naman KJ, sobra yung tipong “kuya wag na please?”. Yung iba O.A., iba iba ang mga nahuli ko, samu’t sari ika nga.

Pangalawang Booth: Tattoo Booth(Henna Tattoo at Face Painting)

 nilalagyan ng henna: wow, nice kuko, so malinis!

Henna Tattoo, ewan ko kung maituturig din itong henna, kasi may mga pagkakataon na ang panget ng pagkakadesenyo ng pangalan mo, o kaya naman ang mga Chinese Symbols ng Peace, Love, Hope, Joy, Prosperity at kung ano-ano pa.  Basta, paswetihan lang talaga ‘to. Palibahasa naman kasi yung ballpen na may fine point ang gamit tapos sinasawsaw dun sa henna ink. Pero, impernez, ito ang may pinakamalaking kita sa lahat ng booths.

 nagpapalagay ng FP: zZzZ! 

Face Painting, sa elementary lang talaga ito pumatok. Medyo Jologs kasi eh.

 undas?

Syempre, hindi mawawala ang Marraige Booth, kahit kailan may ay patok na patok talaga to, lalo na sa mga walang magawa sa buhay(sila yung mga madaming pera na wala ng ibang ginawa kundi magsayang ng pera sa pagpapakasal ng isang panget na kaklase nila sa isa pang panget. O kaya naman panget sa maganda o kaya naman panget sa gwapo.)

share ko lang yung iba sa mga nakasal sa walang wentang marraige booth.

Sir Elie: Pa-kiss (Ekonomiks Titser)

Mam Diane: Sige (Information Technology Titser)

tawang tawa ako dito, tuwang tuwa sa galak si mam dianne.

 Marie: wahahahahahahahahahahaha!

Kevin: *smile*

obviously itong dalawa, speechless, ganyan siguro talaga pag mag-ex na.

 

 Hyacinth: Oi, teka lang, may nagpapa-henna pa!

Nico: I can feel the pressure, misery Business to!

 yung momi ni Nico ang nagabayad ng Pagpapakasal na ito. wala lang just sharing.

 

 Clarina: I’m shy

Fernando: **speechless**

no comment ako. Sila naman kasi talaga, Lampas 1 year na sila Ayus noh?

may dalawa pang booth, ang Photo Booth at Film Showing. May kajologan kaya di ko na kinunan ng litrato.

 

 yan pala yung pina-henna ko. Medyo makalat pang tignan kasi di pa yan napupunasan, diba di naman na YFC ako?

** yung kanji sa taas, ibig sabihin un, Peace, Joy and Love(share ko lang) 

=====

ang haba na pala ng entry ko ngayon. nasa 600 words na. Kaya neks taym muli.

*sure ako na walang magbabasa nito!

 

 

 

Advertisements

Entry filed under: sharing, tru to layp.

kapag tumibok ang puso Champion ako (naks ang yabang).

2 mga puna Add your own

  • 1. jm jose  |  Oktubre 24, 2007 bandang 10:13 hapon

    God’s pm bro!

    aian

    so nakapag bbsa na naman ako
    ng blog mo
    so ang activity nyo ngaun ay ito
    college fair!!!!

    yehey!!!

    aian kung mejo
    inspired ka at walang magawa
    pls pls bsa hin mo blogs
    ko
    inadd
    na kita sa friendster…

    kung na guguluhan
    gusto mag bsa 2ngkol sa yfC
    yon basahin mo blogs
    ok kokey?…

    so un lng God’s pm…

    ps. 600 words is some kinda still short…
    tip. wla ko nabasa 2nkol sa camp bka nasa multiply
    tas ung sa ipis man may bad word!!!
    ung lng
    stay safe
    Godbless

    Sagutin
  • 2. Makoy  |  Oktubre 25, 2007 bandang 10:26 umaga

    sure. ive just added u in my links. 🙂

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Potato Facts

  • 48,804 na ang pumot-pot

ano bang pinasok mo?

unang-una sa lahat..

ang hindi mag-comment..MABABAOG

porn site. explicit and adult content
ewan ko kung mahanap mo yung ni-rereseach mo.. pero malamang hindi. makikita mo lang dito ay puro kalokohan, kabaliwan, kasiyahan, kalungkutan, kasawiaan, ka-etsingan, kabuhayan, kabaryo, kabisyo.. at kung ano-ano pang ka~ name it... meron ako niyan.
magbasa ka na lang at magkomento, para naman maging masaya ang sambayanang pilipino!
di lang komento ang tinatanggap ko.. pati na din pera, de-lata at kung ano-ano pang pwedeng ibigay.. basta ba galing sa puso eh..
la na. korni na. n_n

bulok na patatas

Kalendaryo

Oktubre 2007
L L T M H B S
    Nov »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

affliations ni pot-pot

PindOT-PindOT

  • Wala

%d bloggers like this: