sipon chronicles

Oktubre 23, 2007 at 5:22 hapon 7 mga puna

araaaaaaay! ang sakit ng ulo ko! Ay shomai, me sipon pa ko!

-potpot, nagrereklamo sa sakit ng ulo.

 

Ang lamig noh? Ang sarap sa balat. Kaso panira lang talaga tong katawan ko na mahina ang resistensya. Opo, tama, mahina ang aking resistensya, sa madaling salita. Sakitin ako.

 

Ang sudden change of weather o ang mabilis na pagpalit ng klima(tama ba?) ay isa sa mga kahinaan ko. tulad kahapon, mainit, as in sooooobrang init, tapos ngayon.. biglang maulan, syempre pag maulan o umuulan malamig talaga. Ayan, asahan mo na na may tulo(sipon) na ako kaagad. Siguro hindi lang naman ako ang nakakaranas ng ganon diba? Alam ko na madami dyan ang madaling sipunin, I repeat, SIPUNIN hindi UHUGIN arayt? Kasi sobrang magkaiba ang dalawang iyon.

 

Tuwing may sipon ako, hindi ako mapakali, SOBRA! Maririnig mo akong singa ng singa ng sipon sa aking panyo o tisyu, ayoko kasing inaalagaan ito, nandidiri kasi ako. Tsaka hindi ako komportable tuwing may namamahay sa aking ilong. Kaya tuwing may nakikita akong sinisupon kong kaklase binibigyan ko kaagad ito ng tisyu, sapagkat ayoko ng may naririnig na sumisinghot.

 

 

 Naalala ko kung kumuha ako ng aking DLSU entrance exam. May nakatabi akong Koreano, siya ay seat 24 at ako ay seat 29 (wala lang shinare ko lang), nasa likod namin yung E-con. Grabe talaga yung lamig doon. Hindi ko kaya, ang matindi pa dun, naka tsinelas lang ako kaya naman pasok na pasok yung lamig sa katawan ko, habang nag-eexam may naririnig akong sumisinghot. Yung koreano ko palang katabi yon, kadiri talaga! Inunahan pa siya magkaroon ng tulo(sipon pa din) kesa sakin. Partida, may Mentos mint pa ako non.

 

Bwisit na bwisit talaga ako sa sipon, dahil sa sipon, hindi talaga ako makapag-concentrate sa mga bagay bagay, dahil sabi ko nga kanina, hindi talaga ako kumportable na may naninirahan sa ilong ko. Kaya nga sabi ko sa sarili ko, parang mas gusto ko pa ma-confign sa isang Hospital kesa magkaroon ng sipon, at least doon, may bisita at madaming pagkain ka lagi, o kaya naman tapyasin ko na ang ilong ko, para wala na talagang problema.

 

Kadalasan ang sipon, pag naglaon at lumala, sakit ng ulo ang kasunod nito at kung hindi pa nakuntento kasama na ang lagnat. Badtrip talaga. Ang sakit din ng ulo ko ngayon. Hindi talaga ako makapag-isip ng maayos ngayon.

 Syempre, dahil na din sa siyensya at teknolohiya, dumating na ang mga gamot,mga gamot na pampa-ibsan ng pagsisipon, pagtatae, pangangati, pagpapakamatay, pagpapalibing, pagpapaplantsa, paglalaba, pagsasampay at kung anu-ano pa.

 

Hinati ko ito sa dalawa ang kimikal at natural.

(mga pampaibsan ng sipon o kaya sakit ng ulo)

hindi ako sigurado sa ibang nga gamot, pasensya na  

Nasa Kimikal ang mga gamot tulad ng BioFlu, Biogesic, Disudrin, Calpol, Tempra, Panadol, Mefenamic Acid, Diemettap, Solmux, Neozep, Dolfenal, Canesten, Cheriffer, Memorex, Imodium, Diatabs, Pampa-Regla, Pampaanak, Liquid Sosa, Chlorox, Zonrox, Domex, at ang pinakamabisa ang Muriatic Acid. At kung ano pang mabibili sa pinakamalapit na botika o suking tindahan.

 

Ang Natural naman, siguro alam niyo na. Dito pumapasok ang Kalamansi Dyus, Dalandan, Orange(Kahel), Mansanas, Saging, Ampalaya, Talong, Sayote, Durian, PATATAS!, Langka, Chico, Avocado, Pechay, Kangkong, Baguio Beans, String Beans, ka-BEAN-et, 1/2 kilo ng pansit, isang bote ng toyo, isang bote ng suka, patis at Isang buong manok, wag kalimutan ang mantika, sibuyas, kamatis, bawang, luya. At lahat pa ng nasa bahay kubo. Una, ilagay ang mantika sa nagliliyab na kawali…..

Para sakin  mas maganda ang Natural na paraan. Ang tamang pagkain ng gulay at prutas, Pag eehersisyo at Paginom ng gatas ay magpapalakas ng resistensya. Sigurado yan, walang patid! ika nga nila, Live a Healthy Lifestyle.

 

kaya ikaw? kung naninigarilyo ka, tigilan mo na. Kung araw-araw kang umiinom ng alkohol, tigilan mo na din. Buhay Pahabain at Pagyamanin, Pangalagaan ang kalusugan at Bisyo ay iwasan.

 

Biogesic: Safe kahit walang kain, pano ba yan? Ingat na lang po!

 

 

 

 

Advertisements

Entry filed under: jologs, katawa-tawa, seryoso.

absent ako kapag tumibok ang puso

7 mga puna Add your own

  • 1. aCey  |  Oktubre 23, 2007 bandang 5:30 hapon

    hi, pot-pot! galing naman. may sipon chronicles pa! hope you’re good/better. 🙂

    Sagutin
  • 2. potatomaniac  |  Oktubre 23, 2007 bandang 8:43 hapon

    ahehe. salamat po. ^__^

    nakainom na po ako ng medicine

    Sagutin
  • 3. ferdie  |  Oktubre 24, 2007 bandang 10:47 umaga

    hi..nice site huh… care to exchange link… if you want to earn dollars register here http://www.richmails.net/?r=balakter@yahoo.com

    Sagutin
  • 4. potatomaniac  |  Oktubre 24, 2007 bandang 1:12 hapon

    @ ferdie – yah. link exchange po tayo. 😀 salmat 🙂

    Sagutin
  • 5. thomas  |  Oktubre 26, 2007 bandang 6:42 hapon

    hoy….
    salamat sa 2long mo…
    salamat sa panyo mo…
    salamat sa lahat….

    Sagutin
  • 6. essa  |  Abril 25, 2008 bandang 7:19 hapon

    ask ko lang po..ano kailangang gamot kapag accidentally nakainom ng zonrox. my friend drink zonrox, suffering from stomach ache and vomitting.

    Sagutin
  • 7. di makabuntis JR.  |  Nobyembre 2, 2008 bandang 11:28 umaga

    anuh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!ba yan
    puo kalokohan !!!!!!!!!!!! peo khit ganun
    kng cnu aman ung gumawa ang CORNEY MUH luv u

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Potato Facts

  • 48,804 na ang pumot-pot

ano bang pinasok mo?

unang-una sa lahat..

ang hindi mag-comment..MABABAOG

porn site. explicit and adult content
ewan ko kung mahanap mo yung ni-rereseach mo.. pero malamang hindi. makikita mo lang dito ay puro kalokohan, kabaliwan, kasiyahan, kalungkutan, kasawiaan, ka-etsingan, kabuhayan, kabaryo, kabisyo.. at kung ano-ano pang ka~ name it... meron ako niyan.
magbasa ka na lang at magkomento, para naman maging masaya ang sambayanang pilipino!
di lang komento ang tinatanggap ko.. pati na din pera, de-lata at kung ano-ano pang pwedeng ibigay.. basta ba galing sa puso eh..
la na. korni na. n_n

bulok na patatas

Kalendaryo

Oktubre 2007
L L T M H B S
    Nov »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

affliations ni pot-pot

PindOT-PindOT

  • Wala

%d bloggers like this: