sharing 101

Oktubre 22, 2007 at 9:51 hapon 4 mga puna

-nais ko ipakilala ang bagong segment(bagong segment? eh bago lang naman tong blog na to ah?) na tinatawag kong SHARING 101, ngayon ko lang rin naisip yang segment na yan. Sa segment na ito, ikukwento ko ang mga nangyari sakin ngayong araw. Alam ko naman na walang interesado sa buhay ko at nag-aaksaya lang ako ng oras at kuryente habang nag-tatype ako. Pero wala nang pakialamanan, blog ko to. Apela ka? ehdi lumayas ka na.

====== ok, gusto ko na siyang simulan======

medyo kakauwi ko lang din ngayon, sobrang busy ng schedule ko, pasensya na mga avid readers (libre mangarap, pagpasensyahan na!).

pumasok ako, akala ko late nanaman ako, buti hindi, nakaabot pa ako sa aming Flag Ceremony na walang kabuhay-buhay, sana nagpa-late na lang ako, kakatamad talaga to, ayokong ginagawa ko to sa umaga.

wala kaming ginawa sa klase, tulad ng aking suspetsya, palaibhasa, kakatapos lang ng aming secong periodical test nung friday, ang boring talaga, sobra.. ang matindi pa dun, pinagcheck pa ako ng titser namin sa Math ng test papers. Ahay! ang sakit sa ulo, ang hirap intindihin ng mga pormyulas nila, mga solusyon at kung ano-ano pa. Buti na lang at pagkatapos nun ay matino pa din akong pag-iisip.

Matapos ang walong oras na pagbubutas ng silya sa eskwela, it’s time, Time na ng intrams namin, badtrip nga at wala akong nadalang damit noon, buti na lang at walking distance ang bahay namin kaya naman, tumakas ako upang kunin ang aking raketa ng badminton, at upang magbihis na din ng isports atayr. kasama ko ang aking matangkad na babaeng kaibigan, hindi rin kasi siya nakapagdala ng damit, kaya sinamahan ko na din siya sa bahay nila. Matapos niyang magbihis, kaagad-agad kaming pumunta sa Court.

(ok, medyo boring na ata ang kwento ko, pasensya na, ano nga bang pakialam niyo sa buhay ko? hindi naman ito kapupulutan ng aral. )

matapos ang laro ng basketball, badminton na ang sumunod. OHMAYGAAAAHD! turn na namin ng kapakner ko! Medyo kinakabahan na ako, kasi Championship na yun, pressure yun eh. Syempre gusto namin makamit ng pakner ko ang tropeyo(kahit wala naman talaga kaming matatanggap).

Nagsimula na ang laro matapos ang warm-up. 1st set, medyo naging madali, oo. kasi yung kalaban namin lagi sakin tinitira o pinapatama ang bola. Sorry, pero mali sila. May secret weapon kaya ako. at tinatawag ko iyong pot-pot shot! oo, POT-POT shot. wag mo na alamin kung ano iyon kasi medyo jologs. kaya ayon, sa amin ang 1st set. ang score, 7-15.

Referee: ok, panalo nila ang 1st set, Change Court.

asar, pawis na pawis na ako non, ang init talaga, tapos nakaisip pa ng taktika ang kalaban, napuna nila na medyo mahina kakampi ko, kaya lahat ng tira nila sa kanya ang bagsak, papatalo ba naman ako? Eh alam mo naman ako pilyo, kaya gumana ang ka-bakawan ko sa bola, kanina lang iyon nangyari. natapos ang laro sa 9-15.

Kami ang panalo. YAHOO!

–may part two pa to! medyo gabi na kasi. nagagalit na din nanay ko ^__^ kaya ito ay to be continued.

madami pa talagang nangyari ngayong araw, kaso di ko alam kung itutuloy ko pa. Bigyan mo ako ng pot-pot(comment) kung gusto mo pang ituloy ko.

**salamat sa mga bumoto sakin, pagpatuloy niyo lang yan! 😀

***panakip-butas lang yan. inaantok lang talaga ako!

****gusto ko umabsent bukas! tinatamad ako mag-ayos ng booths para sa aming student’s day

Advertisements

Entry filed under: jologs, katawa-tawa, sharing, tru to layp, walang kwenta.

a nightmare absent ako

4 mga puna Add your own

  • 1. clare  |  Oktubre 23, 2007 bandang 1:11 umaga

    ikaw pala ito. parang ibang tao yung asa multiply. hehehehe.
    salamat sa pagdagdag sa blogroll mo. ilalagay din kita.
    bisita ka rin sa http://www.youthtrip.org – baka matuwa ka 🙂 salamat!

    Sagutin
  • 2. potatomaniac  |  Oktubre 23, 2007 bandang 9:47 umaga

    @ clare – ahaha, opo. magkaibang personalidad nga po kami nung sa multiply. Don, medyo seryoso, dito kalog. 🙂

    Sagutin
  • 3. cAtE  |  Oktubre 23, 2007 bandang 11:43 umaga

    haha”, wala ng continuation?
    bitin!
    ibig sabihin bah nito eh mas magaling kah sa “pakner” muh? nyay!

    Sagutin
  • 4. potatomaniac  |  Oktubre 24, 2007 bandang 1:14 hapon

    @cate- yeah, nitatamad na ako mag tuloy 😀

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Potato Facts

  • 48,804 na ang pumot-pot

ano bang pinasok mo?

unang-una sa lahat..

ang hindi mag-comment..MABABAOG

porn site. explicit and adult content
ewan ko kung mahanap mo yung ni-rereseach mo.. pero malamang hindi. makikita mo lang dito ay puro kalokohan, kabaliwan, kasiyahan, kalungkutan, kasawiaan, ka-etsingan, kabuhayan, kabaryo, kabisyo.. at kung ano-ano pang ka~ name it... meron ako niyan.
magbasa ka na lang at magkomento, para naman maging masaya ang sambayanang pilipino!
di lang komento ang tinatanggap ko.. pati na din pera, de-lata at kung ano-ano pang pwedeng ibigay.. basta ba galing sa puso eh..
la na. korni na. n_n

bulok na patatas

Kalendaryo

Oktubre 2007
L L T M H B S
    Nov »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

affliations ni pot-pot

PindOT-PindOT

  • Wala

%d bloggers like this: