a nightmare

Oktubre 21, 2007 at 5:32 hapon 13 mga puna

lahat ng tao, nananaginip. Pero kung sa tingin mo hindi ka nananaginip, ewan ko siguro ay alien ka, biro lang.. siguro may short term memory ka (hala, ano kayang koneksyon non?)

nais ko lang ikwento ang nangyari kaninang umaga, hindi ko talaga alam kung ano ang kahulugan ng panaginip ko, nagdadasal naman ako bago matulog, pero bakit nagkakaroon pa din ako ng nightmares? Siguro kailangan ko na ng Dream Chaser/Catcher ba tawag dun? kung anu man yon, epektib ba naman kaya?

anyway, eto nga ang panaginip ko (hindi to kumpleto sapagkat nakalimutan ko yung ibang parte.)

… nagaaway kami ng kapatid ko, hindi ko alam ang reason kung bakit, pero siya, brutal.. handang pumatay. Hinahabol niya daw ako, may dalang isang malaking gunting (yung kasing laki ng pang-gupit sa bermuda grass).Β  kaya ako dali-daling tumakbo sa kwarto ko upang mag-long ng pinto, pero mashado shang mabilis kumilos, naipasok niya ang kanyang kamay at ang gunting nasa kanang kamay ko na, sinusubukan kong isara ang pinto at ipitin ang kamay niya, kaso mashadong siyang malakas.

kaso, nasimulan na niyang gupitin ang kamay ko, habang ginagawa niya yun, ramdam na ramdam ko talaga ang sakit, hapdi, lahat..

tapos biglang nagjump yung story, namalayan ko nasa isa na kaming fast-food chain,Β  magkatabi kami ni mommy, yung kapatid ko, nasa isang mesa, kasama ang kanyang mga kaibigan.. May ginagawa siya, nagpaparinig. May balak daw na patayin ako. Natakot ako nun, at sinabi sa aking ina.

“Ma, wala ka bang gagawin manlang?” .. matapos ko sabihin yun, umiyak daw ako sa loob ng fastfood chain.

at natapos ang panaginip ko, nagising ako ng umiiyak, oo umiiyak talaga. Hindi ko alam kung bakit, pero tumakbo ako sa aking inay, upang yakapin siya.. Tinanong niya kung bakit ako umiiyak, at kinuwento ko ang aking panaginip. Habang sinasalaysay ko ang kwento patuloy pa din akong umiiyak.

At sinabi ng ina ko na, isa lang iyong panaginip, at kahit kailanman, hindi niya kami pababayaan, hindi yon mangyayari, hindi talaga!

sa mga oras na iyon, nakaramdam ako ng pagmamahal, nawala ang takot ko, pero patuloy pa din akong umiyak, biglang nagising ang kapatid ko sa pagkakahimbing ng tulog. At bigla niya akong niyakap matapos niya akong makitang umiiyak. Nang mga oras na yon, nawala na lahat ng takot ko, nawala lahat ng pangamba ko, wala na. Alam ko din naman na hindi yun magagawa ng kapatid ko. Naging masaya ako. Hindi na ako nag-alala.

Kami-kami rin lang naman kasi ang magtutulungan sa oras ng pangangailangan. Mahal ko sila, wala nang makakapalit sa kanila.

Oo, isa ngang malagim na bangungot iyon, isang bangungot na sobrang tumakot at bumagabag ng loob ko. Isang panaginip na iniyakan ko habang natutulog.

Β sana hindi na maulit iyon, at lalong hindi mangyari yun. (alam ko namang hindi.)

at baka ito pa maging sanhi ngdownfall ko.

Advertisements

Entry filed under: panaginip, seryoso, tru to layp.

why vote for pot-pot? sharing 101

13 mga puna Add your own

  • 1. jimg29  |  Oktubre 21, 2007 bandang 7:31 hapon

    hindi ako gaanong maka-relate sayo kasi di ko alam kung babae ka o lalake.
    well anyway, dreamcatcher ang tawag duon. balisa ka lang siguro sa mga shocking news around you hence the dream, don’t worry too much, lilipas din yon. nice story and page by the way! hindi ako takot sa ipis pero mas mabaho ang surot. tanong? anung kaugnayan nito sa putatas?

    Sagutin
  • 2. potatomaniac  |  Oktubre 21, 2007 bandang 7:54 hapon

    hello.salamat po sa komento.. πŸ˜€

    ahm.. lalaki ho ako kuya.

    kaugnayan.. wala naman. kaya lang naman tlaga potatomaniac eh, dahil mahili ako kumain ng putatas. πŸ˜€

    Sagutin
  • 3. Kim  |  Oktubre 22, 2007 bandang 10:31 umaga

    nakakatakot panaginip mo.
    nagkakaron dn ako ng ganyang panaginip un nga lng, hindi ko lagi kilala ung villain(s)

    nabagabag nga lng ako kc 2 araw na magkasunod nun, nanaginip ako na my 3 tao na gustong pumatay skin.
    nung unang araw, pamilya sila (nanay, kuya, anak na babae – 2 my kutsilyo)
    pangalawang araw 3 lalake – isa lng my baril

    anyway.. anjan c papa J..
    wag ntin kalimutan mgdasal

    Sagutin
  • 4. copykat  |  Oktubre 22, 2007 bandang 10:46 umaga

    Sabi ni Freud, dreams are caused by our ‘repressed’ feelings and thoughts. (Psych 101.. hehe.) But yeah, baka nga balisa ka lang sa mga nangyayari sa paligid mo. Never stop praying and think of happy thoughts before you go to bed.. trust that God would never let anything bad happen to you πŸ™‚ Sweet dreams! πŸ™‚

    Sagutin
  • 5. bebenibadoodles  |  Oktubre 22, 2007 bandang 7:33 hapon

    Hi potato… Nakak relate ako dun sa feeling na ganyan. Minsan nakakainis na kasi sobrang recurrent lalo na pag stressed ako sa buhay. Minsan nga sabi ko kay Badoodles “i Think i need to see a therapist.”

    Sagutin
  • 6. kengkay  |  Oktubre 22, 2007 bandang 7:48 hapon

    ako dami ko ding dreams na makulit, as in recurring dreams… weird ano? pero you simply need to talk about it or share it, like just what you did… it helps a lot.

    Sagutin
  • 7. potatomaniac  |  Oktubre 22, 2007 bandang 9:23 hapon

    @Kim – yeah! basta pray lang talaga bago matulog

    @copykat – hi ate KAT πŸ˜€ salamt sa pagbisita sa wala kong kwentang blog

    @bebenibadoodles – wow. may nakakarelate din pala sakin.

    @kengkay – huwaw! salamat sa compliment. Na-overwhelm po ko sa sinabi mo.. TENKYOO! πŸ˜€

    Sagutin
  • 8. angel  |  Oktubre 22, 2007 bandang 10:53 hapon

    hindi totoo yung dreamcatcher na yun.. hehehe… katakot nga yung panaginip mong yon.. pero i’m sure ndi naman mangyayari yun eh.. πŸ™‚

    Sagutin
  • […] a nightmare Β« buhay patatas […]

    Sagutin
  • 10. potatomaniac  |  Oktubre 23, 2007 bandang 9:44 umaga

    @ angel – ahehe.. salamat po sa pagbabasa ng kwento ko πŸ™‚

    Sagutin
  • 11. cAtE  |  Oktubre 23, 2007 bandang 11:38 umaga

    hahaha”, nyee nyee!
    maybe you need to pray the rosary every hour evry minute evry sec! lol. . =)) joke lng!
    meaning lng cguro nun mag ingat kah lagi. . okwie?

    Sagutin
  • 12. cess  |  Hunyo 28, 2008 bandang 9:09 hapon

    nakakatakot naman ung dream mo……………………pro yun ay napakalabong mangyari yon………………………………….sweet dream…………………..

    Sagutin
  • 13. Gretchen  |  Agosto 27, 2009 bandang 8:43 umaga

    hmmm just oray poh… di tau pa2bayaan ni god

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Potato Facts

  • 48,804 na ang pumot-pot

ano bang pinasok mo?

unang-una sa lahat..

ang hindi mag-comment..MABABAOG

porn site. explicit and adult content
ewan ko kung mahanap mo yung ni-rereseach mo.. pero malamang hindi. makikita mo lang dito ay puro kalokohan, kabaliwan, kasiyahan, kalungkutan, kasawiaan, ka-etsingan, kabuhayan, kabaryo, kabisyo.. at kung ano-ano pang ka~ name it... meron ako niyan.
magbasa ka na lang at magkomento, para naman maging masaya ang sambayanang pilipino!
di lang komento ang tinatanggap ko.. pati na din pera, de-lata at kung ano-ano pang pwedeng ibigay.. basta ba galing sa puso eh..
la na. korni na. n_n

bulok na patatas

Kalendaryo

Oktubre 2007
L L T M H B S
    Nov »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

affliations ni pot-pot

PindOT-PindOT

  • Wala

%d bloggers like this: