the flying ipis

Oktubre 19, 2007 at 10:23 hapon 12 mga puna

“Hindi ako takot sa ipis, pero pag lumilipad.. ibang usapan na yun”

–potato, pot-pot

 

bakit nga ba naging usapang ipis to.. malalaman mo din.

 

Sino ba ang hindi takot sa ipis? Lalo na ang lumilipad. Sigurado akong marami sa inyo ang takot sa ipis, dahil bilang lang sa mundo ang hindi takot dito at may lakas ng loob hawakan ang mga maduduming alien creatures na to.

 

Marami akong naging ipis adventures, lahat naman sigurro meron nito, ito yung mga katawa-tawang mga pangyayari sa inyo na may sala ay ang ipis, minsan kadiri, minsan ewan. Maski ang idolo kong si Bob Ong takot sa ipis, nabasa ko yun sa “Ang Paboritong Libro Ni Hudas“, pero buti pa siya, namaster na niya ang pagpatay dito, kasi ako pag hinahampas ko yung ipis, eh may mga talsik talsik pa din na mukhang nanang pinaputok.

Yung mabaho na kadiri yung itsura. Ah basta, hindi ko ma-eksplain, try mo na lang pumatay ng ipis.

Ayon sa impormasyon na nakuha ko kung saan-saan, Ang ipis daw ang pinaka matibay o matatag na hayop, insekto AY EWAN KO! kung ano man ang tawag sa sagabal na kadiring nilalang na yan, dahil sabi nila ay mas nauna pa daw silang namuhay sa mga Dinosaurs at hanggang ngayon ay patuloy silang nakikipagsapalaran. Grabe, siguro alam na alam nila ang history, akalain mo nung nabuhay sina Adan at Eba eh may surot nang umaaligid sa kanila.

 

Mangha rin nga naman ako sa mga ipis na ito, akalain mo dami ng pinaghahampas at pinapatay na ipis ng mga tao sa isang araw eh, hindi pa rin sila maubos-ubos, sa sobrang dami nga ata eh kailangan nang mag-spray ng isecticide ang Pilipinas ng sabay-sabay, kaso yun nga lang di lang ipis ang tepok kundi pati na din ang mga tao. Ayon sa nabasa ko sa wikipedia, nangingitlog daw ang ipis ng 30-40 eggs. Aray ko, ang dami nun, kaya naman pala hindi masugpo sugpo ang mga ipis.

 

Buti na rin at hindi nagdedemanda ang mga kamag-anak ng namatay na ipis, kung mangyari yon, wala akong ideya kung anu na ang mangyayari sa mga nangmurder.

 

Kanina habang nakikipag-chat ako, naka indian seat kasi ako sa upuan, pagbaba ko ng paa ko, parang may naapakan ako, siyeeeeeet! tama ang hinala ko, ipis nga, at natapakan ko pa, BEAR FOOT! asar talaga yun, kaya tumakbo ako sa banyo para magsabon ng paa sabay buhos ng Alcohol

ayan, ewan ko kung patay na yan, pero gumagalaw pa yung kanyang feelers, nandidiri pa din ako kapag naalala ko yung moment na naapakan ko sha, aysuskopo! ang crunchy at crispy ng balat.Β  buti na lang walang ipisman na tagapagtangol ng mga pintay na ipis kundi siguradong tepok ako.

 

Β Ipisman: Ako si IPISMAN! humanda ka! hiyaaaa!

sabay pasok ng Voltes V background music..

 

 

 

 

 

Advertisements

Entry filed under: katawa-tawa, seryoso, tru to layp.

Glorietta Bombing-totally shocking! My Blog is nominated for the Filipino Blog of the week

12 mga puna Add your own

  • 1. Kim  |  Oktubre 20, 2007 bandang 10:07 umaga

    haha..
    peste tlga mga ipis sa buhay..
    naalala ko tuloy nung ngdodorm pa kme, plagi nlng nya kmeng binibisita ng room mate ko.. amp
    buti nlng my pagkabihasa ako sa ipis-hunting at ipis-carnage..

    mistula ngang blackboard ung kwarto nmen sa dorm kc pinagda-drawingan ko ng kng ano2, gamit ung baygon na chalk, pra mmatay ung mga unwanted visitors namen.. hehe..

    Sagutin
  • 2. Kim  |  Oktubre 20, 2007 bandang 10:07 umaga

    haha..
    peste tlga mga ipis sa buhay..
    naalala ko tuloy nung ngdodorm pa kme, plagi nlng nya kmeng binibisita ng room mate ko.. amp
    buti nlng my pagkabihasa ako sa ipis-hunting at ipis-carnage..

    mistula ngang blackboard ung kwarto nmen sa dorm kc pinagda-drawingan ko ng kng ano2, gamit ung baygon na chalk, pra mmatay ung mga unwanted visitors namen.. hehe..

    Sagutin
  • 3. geefab  |  Oktubre 20, 2007 bandang 8:09 hapon

    yah..its sooper kadurdor tlga..hahahaha!

    nyc syt..tccic..

    g
    fa
    b

    or

    gfAb

    Sagutin
  • 4. potatomaniac  |  Oktubre 20, 2007 bandang 10:13 hapon

    @kim – ahah! nako sobrang sagabal talaga yang mga “unwanted visitors” ewan ko lang kay pb(isang ka-blog) at may pet ipis sha.

    @gee – salamat sa pagbisita.. nawa’t bumalik ka muli πŸ˜€

    Sagutin
  • 5. otepsky  |  Oktubre 20, 2007 bandang 10:23 hapon

    astig.. hehe.. gnda blogsite mo tsong keep up the gudwork! πŸ˜€ Godbless.. sana marami ka pa masulat…

    nxt tym ung mas kadiri naman.. d man lng ako nasuka hahaha.. joke! πŸ˜€

    Sagutin
  • 6. potatomaniac  |  Oktubre 20, 2007 bandang 10:29 hapon

    @kuya otepsky – oi kuya otep! haha, kulit mo kanina.. yung drugs ko ah? πŸ˜€ de jowk lang.. sige salamat sa pagbasa.. balik ka ulit ha?

    –ahaha, desperado ako!

    Sagutin
  • 7. talksmart  |  Oktubre 21, 2007 bandang 1:44 umaga

    this blog is nominated for the Filipino Blog of the Week award (week 79). Visit the site and vote http://salaswildthoughts.blogspot.com/

    Sagutin
  • 8. β™₯ D U H N A H  |  Oktubre 21, 2007 bandang 9:02 umaga

    POTATOMANIAC. (: wow. galiing. haha! ganda ng blog mo. lalo na un tungkol ke ipisman. haha! para kang c bob ong magkwento. kaya nakakaenhoy magbasa. haha! keep it up bro. Godbless. Solo Dios Basta!β™₯

    Sagutin
  • 9. potatomaniac  |  Oktubre 21, 2007 bandang 10:09 hapon

    @talksmart – yeah, salamat sa nominasyon..

    @DUHNAH – oi. ahaha para bang Bob Ong? salamat sige gagawa pa ako ng masasayang entires πŸ˜€

    Sagutin
  • 10. cAtE  |  Oktubre 23, 2007 bandang 11:54 umaga

    hahaha”,
    nice one. .
    favorite koh tu. .
    kasi di ako takot sa ipis. . even sa flying ipis!!!
    bLeh! and nabasa koh din yung paboritong libro ni hudas! hahaha”, luv it. .

    Sagutin
  • 11. bever  |  Nobyembre 21, 2007 bandang 4:29 hapon

    kakatawa naman nito…….hahahahahaha…..

    Sagutin
  • 12. Reneelou  |  Hunyo 3, 2009 bandang 11:11 hapon

    tama ka kadira talaga nung isang araw nga nung pumasok ako sa kuwarto ko biglang me nakita akong ipis sa kabinet tas isang lumilipad hayzz eh inaantok na ako tas biglang na gising ako nasa harap ko na ung isa hayzzz!!! PESTE sa buhay!

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Potato Facts

  • 48,804 na ang pumot-pot

ano bang pinasok mo?

unang-una sa lahat..

ang hindi mag-comment..MABABAOG

porn site. explicit and adult content
ewan ko kung mahanap mo yung ni-rereseach mo.. pero malamang hindi. makikita mo lang dito ay puro kalokohan, kabaliwan, kasiyahan, kalungkutan, kasawiaan, ka-etsingan, kabuhayan, kabaryo, kabisyo.. at kung ano-ano pang ka~ name it... meron ako niyan.
magbasa ka na lang at magkomento, para naman maging masaya ang sambayanang pilipino!
di lang komento ang tinatanggap ko.. pati na din pera, de-lata at kung ano-ano pang pwedeng ibigay.. basta ba galing sa puso eh..
la na. korni na. n_n

bulok na patatas

Kalendaryo

Oktubre 2007
L L T M H B S
    Nov »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

affliations ni pot-pot

PindOT-PindOT

  • Wala

%d bloggers like this: