Archive for Nobyembre 10th, 2007
ang magpipinsan
hoi mga pinsan (kamusta naman ako at gamitin ko daw ba ang blog ko sa pananawagan sa mga pinsan kong kalapit bahay lang.) TULOY BA TAYO SA DIVISORIA?
=oOo=
haay, kahit kelan talaga hindi ako nagsasawa sa kompanya ng mga pinsan ko sa father’s side.. hindi ko alam kung bakit, pero masaya ako pag andyan sila, kasi nagiging kasalo ko sila sa bawat lungkot, problema, tawanan, pangungulanogt, pagtatae, pananakit ng tiyan at madami pang iba.
kung pagkukumparahin ang relasyon ko pagdating sa mga pinsan, masasabi ko nga talagang mas close talaga ako sa mga pinsan ko sa side ni daddy(CLOSE NGA BA??) ang makulit pa dun, i’m the only thorn among the roses. cool diba??(malamang close, kung hindi, makakapaglaro ba sila ng twister kahit may lalaki?)
UNABIA CLAN. MANILA CHAPTER, kamusta naman, gawin daw bang parang fraternity ang apeliyido. Manila Chapter pa lang yan eh batalyon na kami. pano pa kaya pag kasama na ang DAVAO CHAPTER? mas masaya yun, parang isang barangay na!
Madaming bonding moments na nangyari, palibhasa sila na din kinalakhan ko sa aking
pagtanda. Meron mang nagbago pero mas tumibay ang pagsasamahan namin.
Nga pala yung nasa picture, starting sa unahan, si bona, si pot-pot, si ate zoe then si ate jing.
Balak naming magpipinsan na mag Boracay, o kahit saan pa man na destinasyon dito sa pilipinas, na mag overnight. NG KAMI LANG! walang parents, basta trip lang namin(PWEDE BA ISAMA TWIN KO??)
ayun, gusto ko lang ishare senyo ang mga pinsan ko na sobrang tinetreasure ko.

Presenting.. THE UNABIA ZOO MANILA CHAPTER!
starring:
Bona: Bird..Chicken?
Ate Jing: Monkey
Ate Joy2x: Bear
Shell: Tiger
Ako: Pig
at ang wierd..
Ate Zoe: Whale daw sabi niya, pero Dolphin/Shark ang pose niya.waahaha PEACE ATE!
3 comments Nobyembre 10, 2007









