Archive for Oktubre 23rd, 2007
sipon chronicles
araaaaaaay! ang sakit ng ulo ko! Ay shomai, me sipon pa ko!
-potpot, nagrereklamo sa sakit ng ulo.
Ang lamig noh? Ang sarap sa balat. Kaso panira lang talaga tong katawan ko na mahina ang resistensya. Opo, tama, mahina ang aking resistensya, sa madaling salita. Sakitin ako.
Ang sudden change of weather o ang mabilis na pagpalit ng klima(tama ba?) ay isa sa mga kahinaan ko. tulad kahapon, mainit, as in sooooobrang init, tapos ngayon.. biglang maulan, syempre pag maulan o umuulan malamig talaga. Ayan, asahan mo na na may tulo(sipon) na ako kaagad. Siguro hindi lang naman ako ang nakakaranas ng ganon diba? Alam ko na madami dyan ang madaling sipunin, I repeat, SIPUNIN hindi UHUGIN arayt? Kasi sobrang magkaiba ang dalawang iyon.
Tuwing may sipon ako, hindi ako mapakali, SOBRA! Maririnig mo akong singa ng singa ng sipon sa aking panyo o tisyu, ayoko kasing inaalagaan ito, nandidiri kasi ako. Tsaka hindi ako komportable tuwing may namamahay sa aking ilong. Kaya tuwing may nakikita akong sinisupon kong kaklase binibigyan ko kaagad ito ng tisyu, sapagkat ayoko ng may naririnig na sumisinghot.

Naalala ko kung kumuha ako ng aking DLSU entrance exam. May nakatabi akong Koreano, siya ay seat 24 at ako ay seat 29 (wala lang shinare ko lang), nasa likod namin yung E-con. Grabe talaga yung lamig doon. Hindi ko kaya, ang matindi pa dun, naka tsinelas lang ako kaya naman pasok na pasok yung lamig sa katawan ko, habang nag-eexam may naririnig akong sumisinghot. Yung koreano ko palang katabi yon, kadiri talaga! Inunahan pa siya magkaroon ng tulo(sipon pa din) kesa sakin. Partida, may Mentos mint pa ako non.
Bwisit na bwisit talaga ako sa sipon, dahil sa sipon, hindi talaga ako makapag-concentrate sa mga bagay bagay, dahil sabi ko nga kanina, hindi talaga ako kumportable na may naninirahan sa ilong ko. Kaya nga sabi ko sa sarili ko, parang mas gusto ko pa ma-confign sa isang Hospital kesa magkaroon ng sipon, at least doon, may bisita at madaming pagkain ka lagi, o kaya naman tapyasin ko na ang ilong ko, para wala na talagang problema.
Kadalasan ang sipon, pag naglaon at lumala, sakit ng ulo ang kasunod nito at kung hindi pa nakuntento kasama na ang lagnat. Badtrip talaga. Ang sakit din ng ulo ko ngayon. Hindi talaga ako makapag-isip ng maayos ngayon.

Syempre, dahil na din sa siyensya at teknolohiya, dumating na ang mga gamot,mga gamot na pampa-ibsan ng pagsisipon, pagtatae, pangangati, pagpapakamatay, pagpapalibing, pagpapaplantsa, paglalaba, pagsasampay at kung anu-ano pa.
Hinati ko ito sa dalawa ang kimikal at natural.
(mga pampaibsan ng sipon o kaya sakit ng ulo)
hindi ako sigurado sa ibang nga gamot, pasensya na
Nasa Kimikal ang mga gamot tulad ng BioFlu, Biogesic, Disudrin, Calpol, Tempra, Panadol, Mefenamic Acid, Diemettap, Solmux, Neozep, Dolfenal, Canesten, Cheriffer, Memorex, Imodium, Diatabs, Pampa-Regla, Pampaanak, Liquid Sosa, Chlorox, Zonrox, Domex, at ang pinakamabisa ang Muriatic Acid. At kung ano pang mabibili sa pinakamalapit na botika o suking tindahan.
Ang Natural naman, siguro alam niyo na. Dito pumapasok ang Kalamansi Dyus, Dalandan, Orange(Kahel), Mansanas, Saging, Ampalaya, Talong, Sayote, Durian, PATATAS!, Langka, Chico, Avocado, Pechay, Kangkong, Baguio Beans, String Beans, ka-BEAN-et, 1/2 kilo ng pansit, isang bote ng toyo, isang bote ng suka, patis at Isang buong manok, wag kalimutan ang mantika, sibuyas, kamatis, bawang, luya. At lahat pa ng nasa bahay kubo. Una, ilagay ang mantika sa nagliliyab na kawali…..

Para sakin mas maganda ang Natural na paraan. Ang tamang pagkain ng gulay at prutas, Pag eehersisyo at Paginom ng gatas ay magpapalakas ng resistensya. Sigurado yan, walang patid! ika nga nila, Live a Healthy Lifestyle.
kaya ikaw? kung naninigarilyo ka, tigilan mo na. Kung araw-araw kang umiinom ng alkohol, tigilan mo na din. Buhay Pahabain at Pagyamanin, Pangalagaan ang kalusugan at Bisyo ay iwasan.
Biogesic: Safe kahit walang kain, pano ba yan? Ingat na lang po!
7 comments Oktubre 23, 2007
absent ako
“hindi ako tamad, hindi ko lang mapagdesisyunan kung saan ko ibubuhos ang kasipagan ko”
-pot-pot
sabi nga ng aming mga guro, madami sa amin ang Physically Present pero Mentally Absent, inaamin ko, isa ako sa mga estudyanteng ganun. Pero minsan lang iyon pag sobrang boring ng klase. Pag nakaantok ang turo at nakakaantok ang init ng panahon. At sabi din ng aming sobrang edukadong guro, na wag na daw kami pumasok kung ganon lang din naman daw, dahil nagsasayang lang daw kami ng aming uniporme at pasok-baon lang daw kami. Pero sino ba namang estudyante ang gagawa non diba? Sayang nga naman ang baon.
Kahapon, pinagtatanong ko ang aking nga kaklase, tinanong ko kung papasok sila. May nagsabi hindi sure, ang iba sinabi hindi. Ako, wala akong ka-ide-ideya kung papasok ba talaga ako o hindi. Pero eto ako ngayon at absent nga. Nag-blo-blog. At nagkakamot ng singit, Biro lang, pero pag nangati, di mo ba kakamutin?
Natakot marahil ang aking mga kaklase sa banta ng aming guro, pag hindi daw tumulong sa pag-aayos ng aming jeyl but(Jail Booth)-yan kasi pag-pronounce niya, Eh bababa daw ang grade namin sa ECA(Extra Curricular Activities) anak ng pating naman! At nagbigay pa ng halimbawa
Guro: Kunyari ang grade niyo sa ECA ay 89, magiging 80 na lang yon!
araaay! ang laking bawas noon sa grade, pero hindi naman ako Greyd-konsyus. Kaya eto ako naglakas loob na hindi pumasok.
Bakit nga ba ako hindi pumasok?
Una, paggising ko, umuulan. Ayoko pumasok pag umuulan, naglalakad lang kasi ako papasok. 2 minutes away from home lang kasi ang eskwelahan na pinapasukan ko, syempre pag naglalakad ka habang umuulan, hindi maiiwasan ang mga tilamsikan ng putik sa damit mo.
Pangalawa, hindi ako naliligo ng mainit ang tubig, in short, hindi ako nagpapainit ng tubig bago maligo. Ayoko talaga, hindi ko alam kung bakit. Pero tuwing naliligo ako ng mainit na tubig noon….nakalimutan ko na.. Basta ayoko, ang masasabi ko lang pagnaliligo ako ng ICE COLD WATER, eh parang nabubuhay ang dugo ko sa katawan, morning exercise na din, habang nagbubuhos, hindi ko naiiwasan magtatalon dahil sa lamig.
Pangatlo, Wala naman talagang gagawin sa is-kool kundi, ibalik ang bagsak-bagsak kong test papers at mag-ayos ng Jail Booth.
Pangapat, pa-miss mode muna ako.
Panglima, Pahinga ko ngayon.
Panganim, manghahatak pa ako ng boboto sakin.
Pangpito, wala na akong maisip.
================
nais ko lang i-share ang katawa-tawa moments sa aming school. Alam kong medyo hindi kayo makakarelate, kaya bahala na kayo umintindi.
Babala: Ang mga sumusunod ay pawang katotohanan lamang, eto ay tinatawag kong, Mali-Maling mga guro at mga estudyante.
MAM ANA: “kelangan pa ng isang boyS”–with S??
SIR ELIE: “boneless watermelon??”–bka seedless.nu yan bangus?? seedless bangus??gnun ba??(serious pa siya nung nagututro siya nyan.TAMBLING!)
SIR ALLAN: ..
“SUPER-SAAY-NOHW”..wats dat??
EDGAR: “pupunta ba tayo sa informatic”..wlang S??
MAM ANA: “okey,pag nrinig nyo ung SALILUMBAY…” anu daw??…SALILUMBAY?? anu un?? (salilumbay? baka salidumay)
MIKHA: “2-pointch each daw..” hui!!
FRANZ: “one points each”…dis kas mahiligs sas S
MARIE: “mas mganda yung version ng babae na SUICIDAL”…anu daw? ulit nga..”SUICIDAL”..(baka byutipul gelz?)
DR.PAUL: “SHOESHH”…bka shoes?? mmm…
*ayan ang mga natatandaan ko na mali-mali na tawa kami ng tawa. Salamat kay RR para dito
**pagpasensyahan na po ang mga nasabing pangalan. Bato bato sa langit tamaan ay wag magagalit.
===================
badtrip, ngayon ko lang nalaman na ako lang ang absent, pero ok lang, on the brighter side, wala talaga akong magawa.
Kaya kayong mga estudyante, wag kayong aabsent pag wala kayong matinong dahilan. Tulad ko maganda dahilan ko kaya ako absent, biro lang.
Wag nating sayangin ang paghihirap ng ating mga magulang. Nagtrabaho sila upang mapag-aral tayo sa magagandang eskwelahan, nagsisikap sila upang mapakain tayo ng pagkain, kahit na minsan hindi masarap kailangan pa din natin magpasalamat. Kailangan din natin ibalik ang mga binigay nila satin. Kahit sa ibang paraan, tulad ng pag-aaral ng mabuti, Pagtulong sa gawaing bahay, Pagsuway sa kanila, joke lang, Paglaban, Biro lang din. At syempre ang pinaka maganda, ang ibalik sa kanila ang pagmamahal at pagaaruga na ibinigay at ipinadama nila satin.
1 comment Oktubre 23, 2007









