Archive for Oktubre 21st, 2007

a nightmare

lahat ng tao, nananaginip. Pero kung sa tingin mo hindi ka nananaginip, ewan ko siguro ay alien ka, biro lang.. siguro may short term memory ka (hala, ano kayang koneksyon non?)

nais ko lang ikwento ang nangyari kaninang umaga, hindi ko talaga alam kung ano ang kahulugan ng panaginip ko, nagdadasal naman ako bago matulog, pero bakit nagkakaroon pa din ako ng nightmares? Siguro kailangan ko na ng Dream Chaser/Catcher ba tawag dun? kung anu man yon, epektib ba naman kaya?

anyway, eto nga ang panaginip ko (hindi to kumpleto sapagkat nakalimutan ko yung ibang parte.)

… nagaaway kami ng kapatid ko, hindi ko alam ang reason kung bakit, pero siya, brutal.. handang pumatay. Hinahabol niya daw ako, may dalang isang malaking gunting (yung kasing laki ng pang-gupit sa bermuda grass).  kaya ako dali-daling tumakbo sa kwarto ko upang mag-long ng pinto, pero mashado shang mabilis kumilos, naipasok niya ang kanyang kamay at ang gunting nasa kanang kamay ko na, sinusubukan kong isara ang pinto at ipitin ang kamay niya, kaso mashadong siyang malakas.

kaso, nasimulan na niyang gupitin ang kamay ko, habang ginagawa niya yun, ramdam na ramdam ko talaga ang sakit, hapdi, lahat..

tapos biglang nagjump yung story, namalayan ko nasa isa na kaming fast-food chain,  magkatabi kami ni mommy, yung kapatid ko, nasa isang mesa, kasama ang kanyang mga kaibigan.. May ginagawa siya, nagpaparinig. May balak daw na patayin ako. Natakot ako nun, at sinabi sa aking ina.

“Ma, wala ka bang gagawin manlang?” .. matapos ko sabihin yun, umiyak daw ako sa loob ng fastfood chain.

at natapos ang panaginip ko, nagising ako ng umiiyak, oo umiiyak talaga. Hindi ko alam kung bakit, pero tumakbo ako sa aking inay, upang yakapin siya.. Tinanong niya kung bakit ako umiiyak, at kinuwento ko ang aking panaginip. Habang sinasalaysay ko ang kwento patuloy pa din akong umiiyak.

At sinabi ng ina ko na, isa lang iyong panaginip, at kahit kailanman, hindi niya kami pababayaan, hindi yon mangyayari, hindi talaga!

sa mga oras na iyon, nakaramdam ako ng pagmamahal, nawala ang takot ko, pero patuloy pa din akong umiyak, biglang nagising ang kapatid ko sa pagkakahimbing ng tulog. At bigla niya akong niyakap matapos niya akong makitang umiiyak. Nang mga oras na yon, nawala na lahat ng takot ko, nawala lahat ng pangamba ko, wala na. Alam ko din naman na hindi yun magagawa ng kapatid ko. Naging masaya ako. Hindi na ako nag-alala.

Kami-kami rin lang naman kasi ang magtutulungan sa oras ng pangangailangan. Mahal ko sila, wala nang makakapalit sa kanila.

Oo, isa ngang malagim na bangungot iyon, isang bangungot na sobrang tumakot at bumagabag ng loob ko. Isang panaginip na iniyakan ko habang natutulog.

 sana hindi na maulit iyon, at lalong hindi mangyari yun. (alam ko namang hindi.)

at baka ito pa maging sanhi ngdownfall ko.

13 comments Oktubre 21, 2007

why vote for pot-pot?

kanina may nag comment sa akin, at sobrang hindi ko to inaasahan..

this blog is nominated for the Filipino Blog of the Week award (week 79). Visit the site and vote http://salaswildthoughts.blogspot.com

–anu daw, hindi ko naintindihan kaya kumuha pa ako ng translator (biro lang)

tulad ng sabi ko kanina, nominated ako sa Filipino Blog of the Week, isa itong malaking karangalan sakin, bakit? kasi once in a lifetime experience lang to, dati ko na talaga gusto sumali dito noong ang ginagamit ko pa ay blogspot, kaso walang kwenta ang entries ko noon(hanggang ngayon naman diba?), oo sobrang walang kwenta sinasabi ko noon, sinubukan ko nga basahin yung mga dati kong entries noon, at sobrang hindi ko maintindihan sarili ko(hanggang ngayon din). Basta ang gulo ko magblog non. Kaya naisipan kong mag multiply, doon lumaki ako, nahasa, at natuto. sa loob ng isang taon masasabi ko na ako ay nag-improve. Pero alam ko na hindi pa din worth-reading ang entries ko, tama naman diba? Kaya napagdesisyunan ko na subukan kong magkaroon ng bagong blog, malaking pangamaba ito, dahil magsisimula ako sa wala, pero pano ka sisikat kung hindi mo gagawin ang unang mapanganib na step diba?

Bakit wordpress ang pinili ko? hindi ko din talaga alam.. influence na rin siguro ang may dahilan.
Bakit nga ba ako ang dapat niyong iboto? Una, gusto ko sabihin na wala naman talaga akong kalaban-laban sa mga kalahok don, lahat sila nasa tamang edad na, madami na silang eksperiyensya sa buhay, madami na silang narating, marami nang naging karanasan at madami na ding nakilalang tao. Madami na din silang sponsors sa kanilang blog na hindi tulad ng akin na masasabing isang “kalawakan” o “space” walang laman. Kasi nga kakasimula ko pa lang. Pero isa lang masasabi ko. Ako ang pinakabata sa kanila. Opo.

Hindi ko alam kung anong koneksyon at sinabi ko yun, wala talaga akong advantage sa kanila, wala talaga, halos lahat sila, ENGLISH ang entries, eh ako? Taglish halatang isa akong uneducated na bata-de joke lang, tsaka halos lahat ata sila sa prestigious university nag-aaral. Eh ako secret na lang yun.

Kaya yon, kailangan niyo ako iboto kasi, naa-awa kayo sakin, joke lang ulet, hindi ko talaga kayo pinipilit na iboto ako, pero kung gusto niyo, sige vote niyo lang ako.

Sa uulitin maraming maraming salamat po.

9 comments Oktubre 21, 2007

My Blog is nominated for the Filipino Blog of the week

hi guys! seryoso ako this time (naks, hindi bagay) ipagpaliban muna natin ang pagiging masayahin, bugnutin, makulit, kalog, baliw, alien, antipatiko (at kung ano pa man ang nasa isip mo) serious muna si pot-pot this time.

kakagawa ko lang ng blog at three-days-old na siya, masaya ako dahil sa tatlong araw na yon, eh madami-dami na din akong nakuhang hits, masaya na ako dun, masaya din ako kahit pa-paano, may nagbabasa ng mga entries ko na walang kabuluhan(di nga lang ako sure kung binabasa nga nila).

***siyeeeet, nawala sa utak ko yung mga sasabihin ko, kasi naman biglang nabunot ni mama yung plug ng computer dun sa main, akala niya daw electricfan. ayan ulit tuloy ako sa simula. pero ok lang, kaya pagpasensiyahan niyo na kung wala nanamang kwenta mga isusulat ko dito.

back to my story…

ok. nominated po itong wala kong kabuluhang blog sa site ni talksmart, (finally, after all these years **teary eyed** -ano ba to, kala ko ba serious ako this time)

anyway ganito po ang voting.

First,  pumunta kayo sa http://salaswildthoughts.blogspot.com then, hanapin nyo dun yung poll for Filipino Blog of the Week.

Second, hanapin ang pangalan ko dun, it’s potatomaniac, inuulit ko po POTATOMANIAC. siguraduhin na iyon ang iboboto, kung hindi-de jowk lang, pero vote for th one you think is deserving for the spot.

so ayun, Daily po ang voting so… Vote for me daily. ok? maliwanag ba?

Students: Opo, mas maliwanag pa sa balat na ginamitan ng skin white

-TAE, ang jologs ko noh?

anyway, hanggang saturday po ang voting, so i really need your support. kaya ngayon tinatawagan ko na ang  aking YFC family, lahat kayo aba! tulungan niyo akong umasenso. Ang aking mga relatives, parang awa niyo na!! Ang aking mga kaklase, kung kailangan pa ako ang magbayad ng panginternet niyo ok lang , basta ba iboboto niyo ako eh..

ganito po “daw” ang criteria for judging..

Blog Looks-ang desenyo ng blog.10 points … hala patay na ako dito, ampanget ng layout ko anyone bigyan niyo ako!

Blog Content- 5 points … i dunno, yung sa content daw ng blog kung kumpeto, nakakatawa etc.etc.

Blog Navigation – 10 points .. hala, lugi ako dito wordpress kasi ako, hinde pwede lagyan ng tagbox, asar naman oh, pero user friendly naman sha diba?

–at yus isa nakalimutan ko pero 10 points din yun

kaya mga kapatid, kaibigan, iboto niyo ako ha?! maraming maraming salamat po

2 comments Oktubre 21, 2007


Potato Facts

ano bang pinasok mo?

unang-una sa lahat..

ang hindi mag-comment..MABABAOG

porn site. explicit and adult content
ewan ko kung mahanap mo yung ni-rereseach mo.. pero malamang hindi. makikita mo lang dito ay puro kalokohan, kabaliwan, kasiyahan, kalungkutan, kasawiaan, ka-etsingan, kabuhayan, kabaryo, kabisyo.. at kung ano-ano pang ka~ name it... meron ako niyan.
magbasa ka na lang at magkomento, para naman maging masaya ang sambayanang pilipino!
di lang komento ang tinatanggap ko.. pati na din pera, de-lata at kung ano-ano pang pwedeng ibigay.. basta ba galing sa puso eh..
la na. korni na. n_n

bulok na patatas

rotten-potatoes

ka-patatas

Mga naghanap ng patatas

TICKET SELLER sa UAAP Season ‘72 Cheerdan…
kelly cutero sa UAAP Season ‘72 Cheerdan…
andieee sa UAAP Season ‘72 Cheerdan…
aya sa UAAP Season ‘72 Cheerdan…
chloe sa DSL ng Digitel VS. Smart BROad…
Ancientruins sa UAAP Season ‘72 Cheerdan…
lalala sa UAAP Season ‘72 Cheerdan…
lalala sa UAAP Season 72 (Round 2) …

Kalendaryo

Oktubre 2007
L L M M H B S
    Nob »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

affliations ni pot-pot

PindOT-PindOT

a